CHAPTER 36

89K 2.8K 927
                                    

♡♡♡

Axiesse's POV

--------

Inayos ko muna ang salamin ko sa mata bago ipinagpatuloy ang pagde-decorate ko sa gilid ng stage. Grabe talaga. Mag-isa lang akong nagde-decorate dito kaya medyo nahirapan ako. 'Yong iba kasi abala rin eh. Lalong lalo na si Zell at Wayne na kagrupo ko. Kanina ko pa napapansin na medyo malapit ang dalawa. Ano kayang nangyari bakit bigla nalang silang nagpapansinan?

May tinatago 'tong dalawang 'to eh...

Kinuha ko 'yong panyong itim sa bulsa ko at pinunasan ang pawis sa mukha. Hindi ko maalala na may panyo pala ako na color black.

Napabuntong hininga nalang ako at binilisan ang pagde-decorate nang biglang sumulpot si Ma'am V. She's smiling from ear to ear.

"Okay, class! While we're working pabili muna tayo ng meryenda. It's my treat na since I'm in the mood and masunurin kayong lahat!" Biglang anunsyo ni Ma'am V.

"Yeey!

"Omg! Thank you, Ma'am V!"

"Nice! Gutom na rin akech!"

"Yesss!"

Naghiyawan ang mga kaklase namin. Syempre, napangiti ako. Pagkain na 'yon eh. Pagkain!

"Hindi na tayo magpapa-deliver, class dahil si Axiesse at Zae nalang ang papabilhin ko sa mall..."

Biglang natahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Ma'am V. 'Yong mga kaklase kong babae ay hindi makapaniwalang nakatingin kay Ma'am habang anv mga lalaki naman...

"UUUUUY!!"

"HAHAHA!"

"HALA, PRE! SI ZAE NIYO NAMUMULA!"

"BWAHAHAHAHA!"

"S-Shut up!"

Napatingin ako kay Zae. Uminit ang pisngi ko. Namumula nga siya! Bakit ba kasi bigla silang naghiyawan nang gano'n nang sabihin ni Ma'am na kaming dalawa ni Zae 'yong bibili ng meryenda!?

Pero sandali nga! Tama ba 'yong narinig ko? Kaming dalawa ang bibili ng meryenda? Kaming dalawa lang?! Bakit? Bigla akong kinabahan. Naalala ko ang nangyari sa amin. Kung paano dumampi ang labi ko sa kaniya. Parang gusto ko nalang magpalamon sa tiles.

Hindi ko matanggap. Hindi ko naman sa  nobyo pero nasa kaniya na ang first kiss ko!

Napalunok ako. Hindi ko alam ang gagawin.

Tumingin ako sa paligid ko. Saktong nagkatinginan kami ni Sasha. Ngumisi siya at nag thumbs up. Natutuwa talaga 'to sa nangyayare eh!  Nakakapikon ang ngising 'yan.

"Yiee!" Kita mo, tinukso pa ako.

Inirapan ko nalang siya.

"Axiesse, Zae, halikayo..." Tawag ni Ma'am V na may kung anong tingin pa sa aming dalawa.

Bumuntong hininga ako bago lumapit sa kanyia. Nagkatinginan kami ni Zae habang papalapit kay Ma'am V.
Iniwas ko ang ang tingin ko sa kaniya dahil kinakabahan. Tsss. Akala mo kung sinong guwapo habang nakatingin sa 'kin! Guwapo nga siya! Edi siya na. Hindi ko alam pero naiinis ako ng kaonti.

Napapansin ko na panay ang tingin ng mga kaklase kong babae kay Zae. Minsan napapatingin rin sila sa 'kin. They're probably hating me now as if they weren't before.

Binigyan kami ni Ma'am V ng ilang libo. Ibili daw namin 'yon ng meryenda ng buong special class pero 'yong kasama ko, sabi niya na siya nalang daw ang magbabayad. Tutal marami naman daw siyang pera!

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon