CHAPTER 6

108K 3.3K 428
                                    


• • •

Naeyumie's POV

----------

Wayne Ford Laurent? Hmm...

"Si Wayne ay ang Campus Third Prince slash Top 4 sa campus sa pinakamatalinong students dito." Muling nagpatuloy si Arjie sa pagkukuwento. "At nakikita niyo ba 'yon?" May tinuro siya. Nilingon ko naman 'to. Hindi ko kilala pero isa rin siya sa mga kasama ni Klenth. Tumango kami. "Siya si Marx Limmson..." Ayan na naman siya. Parang kinikilig na naman ang bakla.

"Marx ha... hmm..." Patango-tangong bulong ni Sasha na parang kausap ang sarili. Tapos ngingiti.

"Si Marx Limmson ay ang Second Prince at Top 2 sa pinakamatalinong student," Dagdag niya. "At 'yon naman, si Klenth Sejin Aspinne." Sinulyapan muna ako ni Arjie tsaka binigyan ako ng nanunuksong tingin.

"What?" Mataray kong tanong. Umiling naman siya.

"Klenth Sejin Aspinne slash Top 3 slash Fourth Prince slash bully. Kabaliktaran niya si Wayne. Si Wayne kasi ay Top 4 at Third Prince. Hehehehe. At mabait si Wayne. Hindi katulad ni Klenth na bully!" sabat ni Cherwin.

"At yung isa naman ay si Zae Clinton Maximo, the Campus King and the most intelligent student in our Campus. Matalino talaga 'yan dahil ilang quiz bees na ang napalanunan niya at ibang school pa ang kalaban. Siya rin parati ang nangunguna. Exam, quizzes at mga activities..." Nakangiting sambit naman ni Arjie. "Ang guwapo niya diba? Hahaha! Kinikilig ang lola niyo!" Dagdag niya pa at nagtawanan naman kami.

"According to my observation..." Biglang nagsalita si Axiesse. Nilingon namin siya. "Tahimik ata si Zae. Hindi siya palasalita at minsan ngunguso na parang bata. Tahimik pero may minsan na nakita ko siyang nakangiti. May headset na naka pulupot sa leeg and I guess... parati siyang naglalaro sa cellphone niya dahil hawak-hawak niya parati 'yon. Tssh." Kalmadong sambit niya, sumandal sa upuan at nag cross arms. "And about Wayne, mukha niya pa lang mabait na pero according to my observation ay masayahin siyang tao..."

"Wow tama ka!" Tuwang-tuwa na sabi ni Arjie. Tipid na ngumiti naman si Axiesse.

Paano niya nalaman ang mga 'yon? Kaya pala kanina sa office ay tahimik lang siya siguro ay pinagmamasdan niya ang mga lalaking 'yon at pinag- aaralan.

"And about Marx Limmson, hmm... seryosong tahimik."

"Wow! Ang galing! Paano mo nalaman hahaha!"

"By observing..."

"Ah hahaha. Galing naman..." Si Cherwin. Ningitian naman siya ulit ni Axiesse.

"At si Klenth? Bully nga at..." Tumingin siya sa may bandang likuran ko. Nilingon ko naman 'yon at nakatingin siya sa table ng mga Campus Royalties. "Hmm..." Nag iisip kunyaring usal niya. Tumingin naman kami sa kaniya habang siya ay nakahawak sa kaniyang baba. "According to my observation, madaldal at isip bata. Palangiti pero... 'yong kaninang galit dahil natapunan siya ng shake sa uniform siguro part 'yon ng pagiging immature niya. Tss..." Dagdag niya.

"Matunog 'yong pangalan nila dito lalong lalo na si Maximo..." Nakangiting sambit ni Arjie. "Updated nga halos lahat ng babaeng buntot nang buntot sa kanila. Updated palagi sa kung ano mang nangyayari sa mga Campus Royalties."

"Kung ganon..." Nagsalita si Axiesse. Nilingon naman namin siya. "Kung may gagawin akong masama sa kanila, updated agad sila?" Nakangising sambit niya at nanlaki naman ang mga mata namin. "Joke lang! Hehehehe!"

"Bakit hindi mo tanggalin 'yang malaki mong salamim na bilog at 'yang bun mo sa ulo. Parati ka nalang nagbu-bun. Hindi ba puwedeng ilugay nalang 'yang buhok mo, teh? Feeling ko mas bagay sa 'yo," sabat ni Cherwin. Nagkatinginan naman kaming apat. "I mean, halos lahat nga ng babae rito pinagyayabang ang mga buhok na kakarebond o ano..."

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now