CHAPTER 8

103K 3.1K 382
                                    


♢◆♢

Sasha's POV

---

GOOD MORNING TO ME! TO THE BEAUTIFUL SASHA!! HAHAHA!

It's Friday!

Bumangon na agad ako sa kama at dumiretso sa banyo. Hindi ko maitatangging masaya at good mood ako pagkagising. Ang sarap na nga ng tulog ko, napaniginipan ko pa si Marx! Haha! Baka crush ako no'n? Lol.

Pagkatapos kong maligo, nag ready na ako para sa klase ko. Maya-maya lang ay nakarating na 'ko sa school. Dumiretso agad ako sa classroom kung saan kaonti pa lang kami ang naroroon. Masyado pang maaga. Mayroon pa naman akong higit sa kalahating oras bago mag umpisa ang klase.

"Good morning, universe!" Malakas na sigaw ni Arjie dahilan kung bakit napalingon ako sa pintuan. Nakangiti na agad siya at nakalapat pa ang mga braso sa ere. "Good morning, Sasha!" Bati niya sa'kin.

Ngumiti naman ako, "Good morning, baklang, Arjie!" Usal ko sabay tawa. Nilagay niya pa muna ang bag niya sa kaniyang upuan ag humarap sa'kin.

"Ang ganda ng pagkangiti mo, day, ah?"

"Oo naman-"

"Good morning, world!" Sigaw naman ni Cherwin. Napalingon naman kami sa pintuan. Ngiting-ngiti siya at naka pose pa. "Good morning, Sashy!"

"Good morning!"

Tulad ni Arjie ay nilagay niya pa muna ang bag niya sa kaniyang pwesto tsaka humarap din sa'kin.

"Ay! Hindi mo ba ako babatiin? Naaku, bakla ka!" Sabay hampas ni Arjie sa braso ni Cherwin.

"Ay! Andyan ka na pala?"

"Bwisit ka!"

"Inaano kita dyan, teh?"

"Wala!"

"Harujusko naman, Arjie! Bili ka muna do'n ng napkin! Baka natagusan ka na!"

"Ano?!"

"Huehue! Eh, baka nagreregla ka teh? Ang init ng ulo mo!"

"Bwisit ka!"

"Oh kita mo! Huehue! Bili ka do'n ng napkin! Oh pwede namang diaper nalang baka magmukhang gripo eh—bwahahahahahahaha—aray!"

"Bwisit ka baklang Cherwin!"

"Baket mo ko hinampas?!"

"Hoy! Kayong dalawang bakla diyan manahimik nga kayo!" Suway ng kaklase naming lalaki.

"Harujusko, mga teh!" Si Cherwin. "May nakalap akong balita ngayon! Harujusko! Nakakaloka!"

"Ano naman 'yan, teh?" Si Arjie.

"Tungkol 'to kay Klenth!"

"Oh? Ano namang tungkol sa bully na 'yan? Bumait na ba o hindi pa? Psh!" Inis na sambit ko.

"Hindi 'yon, day! Ang sabe sabe kanina ay nililigawan niya na pala si Ellisandra! Kaloka! May two months na pala silang nagliligawan! O three months? Basta! Hindi pa nagsimula ang klase ay nanliligaw na si Klenth! Harujusko! Ang Klenth ko!"

"Oh tapos?" Walang ganang tanong ko naman sa kaniya. "Sino naman 'yang si Ellisandra na 'yan?"

"Si Ellisandra ay kilala bilang Elli! Elli Vergara! Kapatid niya si Fhia!"

What?

"Oh? Tapos?"

"Harujuskong inday Sasha ka! 'Wag ka ngang ganiyan! Parang hindi ka naman interesado sa sinasabi ko e! 'Wag na nga lang!"

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now