CHAPTER 33

80.9K 2.7K 647
                                    

★★★

Zell's POV

-------

Nang makarating kami sa loob ng isang restaurant ay agad kaming umupo tsaka nagtawag ng waiter para umorder.

Nakaupo siya ngayon sa harap ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya kaya kunwari, abala ako sa pagtingin ng interior ng restaurant at maya-maya nakatingin kunwari sa kamay kong nakapatong sa mesa. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin pero sabi ko nga, papanindigan ko 'to!

Parang naging limitado rin ang kilos ko dahil kaharap ko siya. What the heck is wrong with me?

Sa ngayon, hinihintay lang namin 'yong inorder naming dalawa. Alangan namang ako lang ang kakain dito at titingnan niya lang ako. Magpapalamon nalang ako sa lupa kaysa sa gano'n ang mangyari.

At saka, hindi pa pala ako nakapag-pasalamat sa kaniya dahil pumayag syang samahan akong kumain kahit magkaklase lang kami at hindi kami gaanong close.

Siguro kapag may kaklase rin kaming babae na mag-aya sa kaniya na samahan itong kumain, paniguradong sasamahan niya rin. Ganyan siya kabait. Kaya ang dami ring babae ang nagkakandarapa sa isang 'yan eh.

"Uh..." Nagsalita ako. Napatingin siya sa 'kin. Alam kong kanina pa rin siya naka iwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit.

I bet he's wondering why I asked him so sudden. Bigla lang akong sumulpot sa likuran niya eh. Lumunok muna ako bago magpatuloy sa pagsasalita.

"P-Paano ko mababayaran ang pagsama mo sa 'kin?"

Pero ang yaman niya na. Ikaw talaga, Stawnzell! Parang ang tanga mong magsalita.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang hinihintay ang sagot niya. He smiled. I stopped and stared at him. Napatikhim ako at umayos sa pagkakaupo. Iinom sana ako ng tubig kaso lang naalala ko, wala pa lang tubig dito sa mesa namin.

"Samahan mo rin ako."

Napakurap kurap ako.

"Huh?"

"Gusto kong samahan mo rin ako," ulit niya. Saan?

"S-Saan?"

"Let's watch a movie."

Tumaas ang mga kilay ko at hindi makapaniwala. Mahirap na nga sa akin itong dalawa lang kami sabay ang kakain tapos may sine pa! Things are getting weirder ba, Zell?

Hinihintay niya ang sagot ko.

Tutal walang alinlangan niya akong sinamahan, dapat samahan ko rin siya. Ang sama ko naman kung tatanggi pa ako, eh, manonood lang naman kami ng palabas diba? Right. Mas maayos din gawin ang misyon kapag kasama ko siya. It's a win-win situation, I guess?

"Sige..." Sabi ko.

He smiled. Nahawa ako sa ngiti niya kaya napangiti rin ako. It's like a virus or something.

Dumating na ang pagkain. Maingat na sinerve 'yon ng waiter ang order.  Napatingin siya sa 'kin sabay ngiti at tingin naman kay Wayne. Nagtataka naman akong tinignan siya. Ang lapad ng ngiti niya. Nagpasalamat si Wayne sa kaniya.

"Enjoy your date, Ma'am, Sir," sabi no'ng waiter at umalis na.

Uminit ang pisngi ko matapos marinig 'yon. I swallowed. Mukha ba kaming nagde-date ni Wayne?

Dahan dahan akong napatingin kay Wayne at nakita ko siya na nakatingin rin sa 'kin. There's a small smile on his face. Napangiti rin ako sa ngiti niya. Nakakahawa talaga ang ngiting 'yan kaya itinawa ko nalang ng mahina para hindi maging masyadong awkward.

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now