8 | Naglaho

6.7K 69 2
                                    


Kumurap lang
Naglaho ka kaagad
Kasama ang iyong nararamdaman
Ako'y nasasaktan

Nalingat lang
Nawala ka na
Ika'y may bago na ba?
Ako'y naiiyak na

Tignan mo ako sa mata
At sana'y sabihin mong ako parin
Ngunit ako'y umasa lamang
Umasa na nandito ka parin

Bumitaw ka kaagad
Na parang ikaw lang ang nakakapit
Naglaho na ba talaga
Ang iyong nararamdaman para sa akin

Ako'y naguguluhan na
Sana nama'y sumagot ka
Ako pa nga ba ang mahal
Sana nama'y hindi ka hangal

Ako'y iyong iniwan sa ere
Na lingat lang ng onti
Nawala ka kaagad sa aking tabi
Ano bang nangyari

Ang sinabi mong hindi mo ako iiwan
Kasinungalingan lang nga ba
Dahil sobrang sakit na
Naglaho ka ng para bang wala lang ako sayo

Pinalitan na ba niya ako sa iyong puso
Tinanggal mo na nga ba ako
Dahil pakiramdam ko ay mas malaki ang puwang niya
Ako'y walang panama

Siya'y maganda
Ako'y simple lamang
Alam ko na kung sinong pipiliin mo
Diba, siya?

Hanggang kelan masasaktan
Hanggang kelan aasa sa wala
Hanggang kelan ka mamahalin
Hanggang kelan magpapakatanga

Naglaho ka na lang
Ng parang bula
Bumitaw ka kaagad
At kusang tinanggal ang kamay ko sa kamay mo

Ano bang ganap
Bat ika'y biglang naglaho
San ka pumunta?
Siguro nasa tabi ka na niya

Wala akong pinanghahawakan
Wala naman kasing tayo
Kaya hindi ako sigurado
Kung ako pa ba talaga ang sinisigaw ng iyong puso

Walang tayo
Kaya paano na ako
Walang kasiguraduhan
Kung mananatili ka ba sa tabi ko

Naglaho sa gitna ng dilim
Naglaho sa hangin
Naglaho sa kalangitan
Naglaho sa aking tabi

Sana'y bumalik ka
Para naman ako'y makumpleto na
Naghihintay parin ako
Kahit na ika'y naglaho na

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon