54 | Siguro

1.2K 9 0
                                    

Siguro
By: Caitlin

Siguro
Kaya tayo iniiwan
Ay baka may dadating na bago
At magsta-stay hanggang dulo.

Siguro may mga torpe
Na hindi masabi
Ang kanilang kagustuhan
Kasi sila'y natatakot masaktan.

Siguro may mga babaero
Dahil nasaktan na sila dati
Hindi nila alam kung saan sila tutungo
Iniwan kasi sila dati ng walang pasabi

Siguro may mga taong ayaw ng magmahal
Dahil nagago na noon
Tatlong taon
T

inapon lang ng ganon-ganon.

Siguro may mga dakilang tanga
Dahil mahal talaga nila
Kahit sila'y hindi pinapansin
Titingin at titingin pa din.

Siguro may mga bitter
Kasi may sumira ng kanilang pagkabetter.
Nagmahal lang naman kasi sila
Pero bakit sila nasaktan ng sobra?

Siguro may mga paasa
Kasi dati, naranasan na nilang umasa
Umasa sa mga salitang wala lang pala
Umasa sa manlolokong gaya niya.

Siguro may mga dakilang martir na ibibigay lahat
Gagawin ang lahat at wala siyang pake kung hindi pa sapat.
Gusto atang maging bayani ng ating henerasyon
Yung tipong iaalay ang kanyang sarili basta't mahalin lang siya ngayon

Madaming siguro dahil hindi sigurado
Kaya wag na wag kang mahuhulog ng todo
Dahil hindi ka naman sigurado
Na ika'y masasalo.

-

:))

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon