21 | Hanggang Kelan

2.7K 27 0
                                    

Hanggang kelan titingin sa inyo ng may inggit sa aking mga mata?

Hanggang kelan ako mappapanggap na hindi kayo nakikita?

Hanggang kelan ko lolokohin ang mga tao sa aking paligid sa pamamagitan ng pagngiti?

Hanggang kelan lalabas ang mga salitang "okay lang ako" sa aking mga labi?

Hanggang kelan ka magiging kanya?

Hanggang kelan aasa sa wala?

Hanggang kelan maghahangad na akin ka na?

Hanggang kelan mapapaginipan ang gwapo mong mukha?

Hanggang kelan ako maghihintay na tignan mo ako tulad ng pagtingin ko sayo?

Hanggang kelan magmamahal ng patago?

Hanggang kelan ko lolokohin ang sarili ko?

Hanggang kelan ko mamahalin ang taong may mahal nang iba?

Hanggang kelan ko hindi matangap na para ka talaga sa kanya?

Hanggang kelan magpapakabitter kahit wala namng tayo?

Hanggang kelan magiging kayo?

Hanggang kelan ko sasaktan ang sarili ko?

Hanggang kelan ko mamahalin ang isang katulad mo?

-

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon