28 | Tuwing

1.7K 13 0
                                    

Tuwing
By: Caitlin

Tuwing kinakausap,
Malayo ang tingin
Alam kong ikaw ay hindi nakikinig
Mahal, ako naman ang iyong isipin.

Tuwing tinitignan kita
Habang tinitignan mo siya
Pinapanood ko kayong dal'wa
Habang binubuo niyo ang inyong sariling istorya

Tuwing ako ang iyong kausap
Ang laging bukang bibig
Ang pangalan niya ang iyong nais banggitin
Alam mo bang napakasakit para sa akin?

Tuwing ngingiti ka,
Alam kong siya ang dahilan
Eh kelan bang ako ang naging dahilan ng mga ngiting yan?
Alam ko namang hanggang kaibigan lang.

Tuwing mata'y kumikislap,
Ang mga mata mo'y parang alitaptap
At kahit hindi ako ang dahilan,
Ngingiti na lang

Tuwing titignan mo ang iyong telepono,
Iisa lang naman ang iyong hinihintay, reply niyang sumasablay
Ang sarap sabihin na "nandito lang naman ako,
Nandito lang at hindi ka mabibigo"

Tuwing luha ko'y tumutulo
Alam kong ako nanaman ay talo
Dahil kapag masaya ka sa iba,
Tila ba ako'y nagiisa

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon