65 | Estranghero

1.2K 8 0
                                    

Estranghero
By: Caitlin

Estranghero
Hindi kilala
Pero posible nga ba
Na sayo'y mapamahal na?

Hindi alam ang iyong pangalan
Pero alam ko kung ano ang iyong nararamdaman.
Hindi alam kung saan
Nagsimula ang ating usapan

Basta na lang dumating
Hindi man lang ako nasabihan
Nakakagulat dahil hindi ko kilala ang aking nasasabihan
Ng mga bagay na ako lang ang nakakaalam

Estrangherong biglang dumating sa buhay ko,
Minahal kaagad kita ng buong buo
Hindi ko alam kung posible to
Pero estranghero, saranghaeyo

Sa napakalawak nating mundo
Sa dami ng tao
Ikaw pa talaga ang nakita ng pusong ito,
Aking estranghero.

-

Enyiwawww.

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon