Sigurado
By: CaitlinPanay "akala",
Na susundan ng "yun pala".
Kasi hindi sigurado.
Ano nga ba talaga ang totoo?Panay "siguro",
Pwede bang sabihin mo na?
Yung galing sa puso.
Yung hinding hindi na magbabago.Panay "baka"
Gusto ko, yung hindi pangsamantala.
Hindi "baka" ang hinihingi kong sagot.
Kundi ang siguradong poprotekta sakin na para bang mga kumot.Panay "posible"
Hindi ba pwedeng oo na lang?
Yung wala ng kasunod na "ata"?
Yung hindi ako papaasahin sa wala?Saan ka na ba "sigurado"?
Ikaw lang kasi ang makakabuo sa araw ko.
Ikaw na lang ang kulang,
Dito sa buhay ko.
-Kelan next update? Ewan. Haha. Wala namang nagtatanong, lol.
BINABASA MO ANG
spoken poetry ♡ [1]
PoetryCompilation #1 Started: August 2017 Ended: December 2017 Highest Rank in Poetry: #1 Ang librong ito ay kinukumpleto ng anim at siyam na pung mga tula. Ang dalawa dito ay nakasulat sa wikang Ingles at ang anim at pitompung mga tula naman ay nakahayag...