16 | Sino? Bakit?

3.2K 28 0
                                    


Sino ba siya para sayo?
Bakit parang ang saya-saya niyo?
Okay ka lang nga ba talaga kapag wala ako?
Pagibig mo ba para sa akin ay tuluyan ng naglaho?

Sino ba yang babae sa litrato?
Bakit hawak niya ang kamay mo?
Bakit bumaliktad yata ang sitwasyon?
Diba dapat ako ang kasama mo ngayon?

Sino ba siya para patawanin ka ng ganyan?
Totoong-totoo at parang walang problema.
Diba ganyan ka din sakin?
Ano ng nangyari saatin?

Sino ba siya para kunin ka saakin?
Siya ba ang dahilan kung bakit wala ng tayo?
Hindi ka ba nakuntento sa atin?
Bakit parang ang unfair naman ata ng mundo?

Ano nga ba ang kanyang pangalan?
Sino ba siya para ika'y hangganan?
Bakit pakiramdam ko ay ayaw ko ng malaman?
Malaman ang katotohanan.

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon