44 | Guro

2.7K 23 1
                                    

Para sa Teacher's Day/Month ♥

-

Guro

By: Caitlin

Guro na patuloy kang mamahalin,
Guro na lagi kang aalalahanin,
Guro na ipagdarasal ka sa bawat dalangin,
Kahit pa'y araw-arawin.

Guro na kahit mamaos na sa kakaturo,
Ang hangarin parin niya'y ikaw ay matuto.
Kahit minsan pinagsasabihan ka niya,
Mahal na mahal ka naman niya ng sobra.

Minsan ma'y napapagalitan,
Gusto lang naman niyang wag kang maging makasalanan,
Tinuturuan gumalang
Kaya pag may ginawang mali ay ika'y kanyang pagsasabihan.

Guro na itinuring tayong parang mga anak,
Sa bawat segundong siya'y dakdak ng dakdak,
Sa bawat leksyon na itinuturo,
'Di mo man pansin pero alay niya ito para sayo

Aming guro na gumabay,
Nagturo ng maraming bagay.
Kahit ang trabaho niya'y sabay sabay,
Nagawa niya paring maging pangalawang nanay.

Para sa aming guro,
Guro na minahal tayo.
Mahal ka namin ng buong-buo.
Saranghae sayo ♥

-

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon