48 | Nagpapanggap

1.5K 17 4
                                    

Nagpapanggap
By: Caitlin

Nagpapanggap
Na nakapag move-on na sa mga ganap
Kunwari nakalimutan na kita
Para naman hindi nila mahalata

Nagpapanggap
Para kunwari tapos na ako sayo
Alam ko kasing hindi mo matatanggap
Ang pagibig kong ito

Nagpapanggap
Na kaya ko ng wag kang tignan
Kahit ang totoo
Gustong gusto ka ng sulyapan

Nagpapanggap
Na kaya ko na ng wala ka
Kunwari na lang kaya ko na
Syempre, maniniwala sila.

Nagpapanggap
Na ako'y masaya
Hindi naman halata diba?
Na ako'y nagpapanggap lang pala

Nagpapanggap
Kunwari okay lang sa akin
Hindi ko man kayo lingunin,
Alam kong hinding hindi ka titingin sa akin.

Nagpapanggap
Na hindi ko alam ang mga ganap
Pero ang totoo'y nasasaktan
Kayong dalawa ang dahilan.

Nagpapanggap
Na hindi ko alam na ika'y may bago na.
Hindi naman ako tanga
Pero bakit mahal pa kita?

Nagpapanggap,
Pero pipiliting totohanin na
Ang mga ngiting
Drawing lang pala.

-

:))

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon