26 | Pansamantala

2.5K 19 0
                                    

Pansamantala
By: Caitlin

Pansamantala,
Hindi alam na ika'y sandali lamang
Sana naman ay iyong sinabi
At sana'y ika'y nagpaalam

Pansamantala,
Pansamantalang kasiyahan lang pala ang iyong ipinadama
Umasa ng sobra
Hindi mo ba nakikita?

Pansamantala,
Pansamantalang ligaya
Na pinalitan agad ng napakalungkot na istorya
Dapat sa simula pa lamang ay sinabi mo na

Pansamantala,
Tila ika'y nagsawa na
Sa ating pagmamahalan
Na parang inaamag na dahilan

Pansamantala,
Ako'y hindi nakapaghanda
Umalis ka kaagad ng biglaan
Hindi ba pwedeng ipagpaliban?

Pansamantala,
Pwede bang dahan dahan?
Masyado naman kasing nakakabigla
Ang iyong paglisan

Pansamantala,
Hindi mo ba napansin
Na tumigil ang tibok ng aking puso
Ng malaman na ayaw mo na sa akin?

Pansamantala,
Akala ko'y habang buhay na
Mahal, hindi ko kaya
Na mawalay ka

Pansamantala,
Na parang habagat na dala
Dumaan lamang sa kwento
Hindi man lang nagtagal dito

Pansamantala,
Sana sa susunod ay may magtagal na
Dahil hindi ko na kakayanin pang
Masaktan ng pangalawa

-

Lol 👧

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon