51 | Ngiti

1.9K 8 0
                                    

HAPPY AKO KAYA HINDI KO MAKAYANAN YUNG MALULUNGKOT NA TULA KAYA GUMAWA AKO NG MASAYA! BOOM RHYME 1 2 3 A B C! 😂

Ngiti
By: Caitlin

Salamat sa ala-ala
Na iyong ibinahagi
Kahit hindi natupad ang mga "sana"
Magiging masaya sa abo't ng aking makakaya.

Papalayain ang puso
Pusong napagod ng husto
Tapos ngingiti sa dulo
Dahil tapos na ang kalbaryo

Ngingiti kahit nasaktan
Di bale na, tapos na naman
Kaya ngingiti na lang
Dahil ang sakit ay tapos ng bitiwan

Ngiti na nasa aking mga labi
Nakamit yan dahil nakalaya na
Sa mga sakit
Na idinulot nating dalawa

Ngiti na totoo na
Ngiting masaya
Ngiting kuntento
Dahil okay na ang puso

-

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon