66 | Aking Nanay

2.5K 10 0
                                    

Aking Nanay
By: Caitlin

Nanay, Momsy, Mommy, Mama at iba pa.
Mga tawag sa ating mga pinakamamahal na ina.
Ang ina na laging nagaaruga
Sa kanilang mga anak, tuwina.

Aking nanay,
Maligayang kaarawan sayo,
Ang ilaw ng bahay
Na pinapasaya tayo.

Naghihirap para lang sa tayo'y maginhawaan,
Walang pake kahit laging maarawan.

Gagawin ang lahat,
Para tayo'y makaahon sa hirap.

Maglalaba,
Magpaplantsa,
Magaayos ng kama.
Yan ang aking ina.

Kung minsa'y masungit,
Wag na tayong sumabay sa kanilang galit.
Alagaan na lang natin sila
Dahil natanda na ang ating ina.

Kahit minsan ay tayo'y pinapagalitan
Ginagawa lamang nila yan
Dahil may mga dahilan
Para tayo'y pagsabihan

Alagaan hanggat may panahon
Iba na ang noon sa ngayon
Kaya't ipakita sa kanila ang ating pagmamahal

Nanay na masasandalan
Sa gitna man ng kasayahan
O sa dulo ng kalungkutan,
Gagawin niya ang lahat para loob ay gumaan.

-

Dapat nung birthday pa ito ni Mommy kaso nakornyhan ako kaya ngayon ko lang ipopost HAHAH.

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon