55 | Umasa sa Wala

1.6K 12 0
                                    

Umasa sa Wala
By: Caitlin

Umasa sa wala
Totoong nakakamatay pala
Ang maling akala
Nakakamatay ng mga pusong umasa

Umasa sa taong gago
Sabi naman kasi sayo,
Siya'y manloloko
Umasa ka kasi sa taong akala mo may nararamdaman para sayo

Umasa sa mga salitang walang katuturan
Akala mo kasi totoo
Ilusyon lang pala ito ng iyong puso

Umasa sa mga aksyon
Akala mo naman meron
Ayan tuloy nasaktan
Pero masisisi mo nga ba ang nagmahal lang?

Umasa sa iyo.
Umasa na meron ng tayo.
Umasa sa wala.
Umasa sa mga nakakatangang salita.

Hindi naman maling magmahal.
Mali lang talaga ang iyong minahal.
Hindi naman maling umasa.
Wag ka lang talagang aasa sa wala.

-

:))

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon