24 | Sakit

2.5K 28 0
                                    

Sakit
By: Caitlin


Sakit,
Sakit na ikaw ang nagdulot.
Sakit na nasa puso'y namuot
Sakit at lungkot

Sakit,
Sakit na iyong pinadarama
Kahit ako'y walang kasalanan,
Bakit mo ako pinarurusahan?

Sakit,
Sakit dulot ng pagmamahalan
Pagmamahalan na lubos
At kailangan ng magtapos

Sakit,
Sakit na pinamumuhayan ng takot
Takot na sa puso
Ay hindi na kailan man maglalaho

Sakit,
Sakit na bumabalot,
Sakit na nagiging galit
Galit sa kadahilanang iniwan mo ako sa gitna ng lungkot

Sakit,
Sakit ng dati,
Sakit galing sa iyong mga labi
Sakit ng mga ala-ala

Sakit,
Sakit na dapat limutin na
Sakit,
Sakit na di na dapat balikan

Sakit,
Sakit na pangdalawahan
Pangdalawahan pero ako lang ang sumalo
Ako lang ang sumalo ng sakit na dapat ay para sa iyo

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon