13 | Hanggang Tingin Na Lang

5.9K 75 10
                                    


Pasulyap sulyap,
Sa napakamo mong mukha,
Hindi malapitan,
Hindi makapagsalita.

Hanggang tingin na lang,
Mula sa malayo,
Napakasaya mo,
Oh bakit naunahan na ako?

Hanggang tingin na lang,
Tila ba napagiwanan na ng panahon
Dahil kung umamin lang ako noon,
Hindi ako mauunahan ngayon.

Hanggang tingin na lang,
Ako kasi ang babae,
Bawal umamin,
Kailangan daw kasi mauna ang lalake.

Hanggang tingin na lang,
Laging nauutal,
Laging nahihiya
Sa tuwing malapit ka

Mula sa malayo,
Nakatanaw lang saiyo,
Magisang napapangiti,
Kahit hindi ako ang iyong nasa tabi.

Nakangiting nakatanaw sa inyo,
Kahit iba ang kapiling mo.
Basta't ika'y maging masaya,
Okay na ako.

Lagi kong pinagdarasal,
Na sana kapag ngumiti ka sa susunod,
Ako na ang dahilan,
Hindi yung iba lang dyan.

Laging na nanalangin,
Na sana'y ika'y makapiling.
Sana ako ay makatulog na ng mahimbing.
At mapaginipang ako'y iyong nilalambing.

Nakatingin mula dito,
Ang layo ng agwat natin.
Di tayo nababagay na para bang ikaw ay 'yong ginto
At ako yung buhangin.

Masyado kang malayo,
Kaya hanggang tingin lang ako.
Hindi kayang abutin.
Sana'y mga panalangin ko ay dinggin.

Para bang ako yung hangin,
Na hindi mo napapansin,
Masyadong imposible
Na ika'y maging akin.

Nanonood lang ako sa inyong likod
Na para bang ako'y hindi nasasaktan
Nagpapanggap lang naman
At ngumingiti na para bang okay lang.

Kahit nakatingin lang sa malayo,
Tandaan mong nandito ako
Naghihintay na mapansin mo
At tingnan din katulad ng pagtingin ko sa iyo.

Itatawa na lang
Kahit nasasaktan sa nakikita
Na ika'y may kasamang iba
Nakakalungkot, hindi ba?

Tila ba ako ay 'yong lupa
At ikaw ay 'yong langit
Na kahit bumagsak ka sakin,
Hindi naman matutupad ang harangin.

Masyado kang mataas
Tila ba hindi maabot ng aking mga kamay
Ano ng gagawin
Hindi na alam kung hanggang saan ang kakayanin

Nasasaktan sa nakikita
Hanggang tingin na lang ba talaga
Na parang ikaw ay 'yong bituin
Na nagniningning sa aking paningin

Lagi kitang na papansin
Pero ikaw, ni tingnan ako,
Hindi mo kayang gawin
Mahal, kahit ako ay sulyapan mo lang din

Isang ngiti na bumubuo sa araw ko
Kahit di mo ito alay para sa akin
Ako ay patuloy na maghihintay parin
Kahit alam kong hanggang tingin lang rin.

Isang kaway na may kasamang tawa
Alay mo para sa kanya
Alam ko'y ikaw ay napakasaya kasama
Kaya ako'y nahulog na nga

Walang pagasang saluhin
Ng isang bituin
Ang isang buhangin
Parang ang puso kong tanging harangin lang naman ay ika'y pasayahin

Hindi ko na yon matutupad
Alam ko naman na iyon
Sana'y mabago pa ang kapalaran
At mabago ang katotohanan

Na ika'y para sa kanya
At ako'y para sa iba
Sana'y ika'y maging akin na lang
At ako'y maging para sayo na lang din

Ako'y nahuli na
Sana nama'y pagbigyan pa
Ng nagiisang tadhana
Na makakapagpabago ng kapalaran nating dal'wa

Hanggang tingin na lang
Hindi mawari kung hanggang saan
Titigil na nga ba ako sa aking kahibangan?
O patuloy ka paring mamahalin ng lubusan?

___

Dedicated po kay crush. :(( pinakamahabang poetry na nasulat ko dahil sakanya HAHAHA tawa na lang natin kahit nasasaktan na.

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon