23 | Lumayo

2.4K 21 2
                                    

Lumayo,
Kung nasasaktan na'y ika'y lumayo,
Lumayo sa sakit na nagdududlot nito
Lumayo sa kadahilanang di mo na kayang mapalapit pa sa isang tao

Lumayo,
Lumayo ka sa tukso
Lumayo ka sa tukso ng pagmamahal
Pagmamahal na mananakit sayo

Lumayo,
Lumayo ka sa mga bagay na nagdudulot ng galit
Galit na sa puso mo ay namumuoo
Wag mo sanang hayaan na kainin ka nito

Lumayo,
Lumayo ka sa mga lugar na iba ang epekto sayo
Sa mga lugar na nakakapagpalungkot
Sa masaya mong puso

Lumayo,
Lumayo ka sa kanya,
Dahil di ka karapatdapat na saktan ng isang tulad niya,
Dapat ay ituring kang parang prinsesa

Lumayo,
Lumayo ka sa mga taong nakakapagdala sa iyo ng takot na baka ikaw ay iwanan
Iwanan sa sinasabi nilang "walang hanggan"
Kahit wala naman

Lumayo,
Sa mga kanta
Kanta na nagbibigay sa iyo ng mga ala-ala
Ala-ala na dapat ay ibaon na sa balon
Ng mga patapon.

Lumayo,
Lumayo ka sa mga gagong tulad niya,
Dapat ay alagaaan kang parang reyna
At proteksyonan na parang ikaw ang tanging kaharian

Lumayo,
Lumayo ka sa mga hayop,
Lumayo ka sa mga ha-hayop-in ka lang
At pagtataksilan na parang wala lamang

Lumayo,
Lumayo ko sa isang taong paasa,
Dahil paniwalaan mo ako,
Sasaktan ka lamang niyan at iiwanan sa mundo ng kalungkutan.


-

Dedicated kay PaulineAnnLovedioro mwehehe 😂

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon