Universe 1: Grief

15.3K 625 138
                                    

ZEN

Summer.

It's already summer! Wala sa sariling sumimangot ako habang walang kabuhay-buhay na nakahiga sa kama. Hindi ko maintindihan kung bakit patuloy pa rin sa pagtakbo ang oras sa kabila ng mga nangyari, sa kabila ng pagkamatay ng taong mahalaga sa 'kin. Sa kabila ng pagkamatay ng best friend ko.

Isang buwan na ang nakalipas nang lumisan siya. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na wala na siya. I'm trying so hard to move on but grief and loss still lingers. Maybe this grief will always be a part of me. My heart still shatters to pieces every time I remember her. Memories are the most painful and cruel thing she left me.

Tanghali na kaya nasisinagan na ng araw ang silid ko. It is situated in the attic. It's not a small room though. Isang maliit na bintana ang nakabukas kung saan makikita ang isang maliit windmill na gawa sa kahoy. Marahan itong umiikot dahil sa mabining paghampas ng hangin dito.

Sa taas ng kama ko, makikita ang built-in bookshelves na punong-puno ng mga libro at babasahin.

Sa gilid ng kama ko, sa may bandang ulunan, may isang study table kung saan nakapatong ang ilang libro tungkol sa sining at ang lumang lampshade.

Sa dulo naman ng kama, makikita ang isang built-in closet.

Sa kabilang bahagi ng silid, makikita ang mga blank canvas, paint brushes at pastels. They look lonely, untouched and abandoned.

Nang mawala si Elaine, nawala na ang interes ko sa pagguhit at pagpipinta. Between the two of us, she's the most fascinated about arts. She's my role model. She's my inspiration. But now, the inspiration is gone, she's gone and will never ever come back.

Arts can never make me whole again.

Tumingin ako sa bintana na katapat ng higaan ko. Natatakpan na ito ngayon ng itim na kurtina. Hindi ko na ito binuksan nang mawala siya dahil matatanaw ko lang ang dati niyang silid kung saan madalas kaming nag-uusap tuwing gabi, mula sa mga bintana namin.

Dati, wala talaga ang bintanang ito. Pinagawa ko lang ito kay Papa para lang makapagkwentuhan kami ni Elaine kahit hindi kami umaalis sa bahay namin. Mabuti na lang nasa gilid na bahagi ang attic at nagawan ito ni Papa ng paraan.

We're tracing all the constellations we can see or inventing up some new ones. We dreamed of flying in the outer space and visiting the moon and the planets or maybe discovering new exoplanets and finding where the universe ends.

But her death became the end of my universe. I suddenly stopped revolving around my own axis. Even the world stopped revolving along with me.

Nakarinig ako ng ugong ng sasakyan mula sa kabilang bahay. Umalis na ang mga kapatid at magulang ni Elaine sa lugar na ito upang kalimutan ang sinapit ni Elaine, dalawang linggo na ang nakalilipas, kaya kumunot ang noo ko. Bumalik ba sila?

Wala sa sariling bumangon ako at dahan-dahang lumapit sa bukas na bintana ng attic. Muntik ng mahulog ang windmill nang dumungaw ako, pero mabuti na lang at nasalo ko ito.

Kumakabog ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang bagong dating suot ang aking pantulog at pajama.

Bumaba sa pickup ang isang batang babae na may yakap-yakap na teddy bear. Samantala, isang matangkad na lalaki na tila kasing edad ko ang sumunod sa kanya, hawak ang gitara. Hindi ko makita ang mga mukha nila.

May isang babae at isang lalaki na nasa mid-forties ang nagbababa ng kanilang gamit na sa tingin ko ay mga magulang nila. Kapansin-pansin ang tawanan nila at pagbibiruan. May kalakasan din ang tugtog na nagmumula sa kanilang Ford pick up.

The Universe and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon