1 - Identity

48K 886 79
                                    

Paalala: Some parts here are taken from some chapters nung Take It or Leave It. Chapters 1 to 3 nito ay naencounter/maeencounter niyo rin doon. Pero please read between the lines pa rin kasi I added lines, events, and other important details dito sa story. Yun lang mga ka-AHA! XD

==========

Chapter One
Identity

(Mond's POV)

"Mond naman! Kailangan ba talaga merong Mond yung bago mong identity? Puro Raymond lang oh, eh nagamit mo naman na yan."

"Oo! Pag wala kang nahanap na may Mond, wala kang bonus saken."

"Diamond na lang kase. Eto oh may nahanap ako Diamond din. HAHAHAHA!" bwisit talaga 'to. Sarap kotongan.

Pinandilatan ko siya. "Oh easy. Eto na nga maghahanap na."

"Ayusin mo Kierre ah. Matagal-tagal ko ring gagamitin yang identity na yan."

"Yes bossing!" at saka naghanap muli si Kierre sa Extinct Human List namin dito sa mansion. Well, puno ng hiwaga naman dito. Magic thing.

Ang totoo kong pangalan ay Diamond Gemlack-Soverthell. Lalaki ako. Walanghiya kasi yang si Kierre na nagpangalan sa akin nung sanggol pa ako. Siya ang guardian ko kaya mas gurang yan sakin. Swerte niya lang dahil hindi rin siya tumatanda. Pero ngayon, kilala ako dito sa lupa bilang Raymond Zalazar na nagamit ko yata ng halos anim na taon. Nagkataon lang na parehong may Mond ang Diamond at Raymond kaya yun pa rin ang tawag sa akin ni Kierre. Pero dahil magpapalit na ako ng identity, bye bye Raymond Zalazar na. At ngayon nga, pinipilit kong hanapan ako ni Kierre na may "Mond" rin na pangalan para ayos!

Kailangan kong magpalit ng identity dahil nandito kami sa mundo ng mga tao. Bawal kasi kami doon sa kabilang dimension. I'm banned there. Ang saya lang.

At isa pa, immortal ako. Baka makahalata ang mga tao sa paligid ko na hindi ako tumatanda. Mahirap na.

"Ayuuun! May nakita na ako! Ayos na ba sayo ang Edmond?" napatigil ako sa paglalaro ng Gem Stressball ko nang sumigaw si Kierre sa gilid ko.

Napaisip naman ako. "Hmm. Ayos na yan. Basta may Mond." Napahawak ako sa baba ko. "Saka isa pa, tunog gwapo. Sakto!"

"Tunog manyak kaya. Hahahaha! Manyak ka naman eh, talagang sakto."

"Siraulo! Ikaw ang manyak. Tatahi-tahimik sa harap ng maraming tao pero kung makatitig sa mga babae. Tss. Teka, anong itsura niyan? Dapat gwapo tulad ng totoo kong muka ah."

Lumapit sakin si Kierre at pinakita sa akin yung litrato. "Oh yan! Mas gwapo pa nga yan sayo. Okay na?"

"Mas gwapo pa rin ako. Tingin ng background niyan."

"Ako na magrerecite sayo. Siya si Edmond Sioson. Nabuhay noong ikalabing-siyam na siglo. Died from a car accident. Habulin ng mga babae noong panahon niya pero.."

"Pero ano?"

"Pero may gender confusion siya noon."

"Ah. Barbie?"

"Ewan. Confused pa lang nakalagay dito. Hahaha! Akala ko ngayon lang epic ang generation, noon din pala. Totoo nga yata yung nabasa ko sa facebook nung isang araw, 50% ng mga gwapo ay bakla, 40% ay manloloko, 6% ay taken, at 4% ay gwapong single. Buti na lang ako, nasa least percent. Ikaw ba Mond? Dun ba sa 50%? HAHAHA!"

"Tarantado ka talaga Kierre. Ok na yan, pag gamit ko naman yang identity na yan 100% lalaki na yan. Check mo, baka may living relatives pa. Kung meron, palitan mo. Ayaw ko ng may sabit. Baka mamaya buhay pa yung mga girlfriends niyan or suitors."

A Heart's Antidote (Diamond Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ