15 - Heavenly Bodies

19.5K 544 35
                                    

Chapter Fifteen
Heavenly Bodies

Tanaw-tanaw ang malayang himpapawid ay nakasandal kaming dalawa dito sa sofa sa balkonahe na inilabas ko mula sa sala.

"Ang ganda talaga ng buwan." Lumingon ako sa kanya sa kanan. Nakatingin pa rin siya ng diretso sa itaas. At kahit ilang ulit ko pang subukan, hindi ko na alam ang tumatakbo sa isip niya.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Kasi palagi lang siyang nandiyan. Mapa-araw man o gabi."

"Kahit naman ang araw at mga bituin. Lagi lang ring nandyan. Hindi nawawala."

Ngumuso siya bago magsalita. "Kahit na. Mas maganda pa rin sa'kin ang buwan. Nagbibigay ito ng liwanag sa dilim. Mas maliwanag pa sa mga stars at mas kapansin-pansin. Kung ikukumpara naman sa tao, siya ang nagbibigay pag-asa sa buhay kong nasasakop ng dilim. Tulad ng buwang umiikot sa Earth, siya rin ang umiikot sa mundo ko. Alam ko ring lagi siyang nandiyan dahil mas halata ang kanyang pagmamatyag. Na alam kong siya lang ang buwan, siya lang ang nag-iisa, at hindi kailanman mapapalitan. That he is my moon. That he is my hope..." ngumiti ito pagkasabi niyon habang suot-suot ang makikinang na mga mata.

Napapikit ako sa lalim ng sinabi niya. Batid kong may dalawang uri ng taong madalas na naghahalintulad ng buhay sa mga heavenly bodies tulad ng araw, buwan, at mga bituin. Ang una ay isang taong malungkot at naghahanap ng kapayapaan sa sarili. Ang ikalawa nama'y isang taong may malakas na kapit sa pag-asa na kahit ang mga bagay na tulad ng buwan ay nagagawa nilang pahalagahan.

Alin kaya si Enikka sa dalawa? But I bet, she's both-lonely and hopeful.

"Ako naman, araw ang mas gusto ko. Hindi man natin ito makita ng tuwiran, mas hayag naman ang paglingap nito sa katagang "pag-asa". At tsaka kung iisipin pang mabuti, hindi nito hinahayaang malapatan ka ng kahit katiting man lang na karimlan. Hindi tulad ng buwan."

Lumingon na siya sa akin habang ako naman ang nakatingin sa alapaap. "Hindi sapat ang liwanag na kanyang dulot para buhayin at mas panindigan ang katagang "pag-asa". Kaya kung pag-asa lang ang usapan, araw ang mas sapat na panghawakan. Sa araw, hindi ka rin mapapanglaw. Walang bahid ng kalungkutan. Ngunit tulad ng buwan, lagi lang nandyan, tayo'y binabantayan, at hindi nang-iiwan. Lumubog man ito, alam rin naman nating sisikat at sisikat ang araw. Sa buwan, hindi naman laging full moon. Unlike sa araw, walang half-sun, walang quarter-sun. Ang araw na laging buo, hindi katulad ng buwan na anumang sandali'y maaari kang mabigo. At higit sa lahat, hindi ito tulad ng buwan na may kahati sa gabi, na kahati niya ang mga bituin sa kalangitan. Dahil kapag araw o daytime, ito lang ang tanging nangingibabaw. Na siya lang at wala ng iba. Ang araw na kayang-kayang sakupin ang kahit anong makamundong kalungkutan."

Pagkasabi ko niyo'y biglang lumapit sa'kin si Enikka't niyakap ako. Ngumawa siya habang nakahilig ang ulo niya sa dibdib ko. Hindi ko alam kung umiiyak ba siya dahil sa mga sinabi ko o dahil nalulungkot pa rin siya sa sagot ko kaninang, "I'll try. Sisikapin kong tanggapin ka bilang parte ng pagkatao ko" sa tanong niyang "Can you accept me too?".

Hindi ko naman siya pinatahan sa pag-iyak. Ewan ko ba, pero parang gusto kong nakahilig lang siya sa akin. Na nakapahinga siya sa akin. At gusto ko ring naririnig ang boses niya. Hinimas ko ang ulo niya habang patuloy pa rin siyang humihikbi.

"Mon-Mon.."

"Hmm?"

"Sana magustuhan mo na talaga ako." Bulong lang niya iyon ngunit narinig ko ng malinaw dahil gifted akong malakas ang pandinig.

Walang pakundanga'y tila automatic na sumagot 'yung bibig ko. "Gusto ko ring magustuhan ka, Enikka."

Nanigas ako sa kinauupan. I also stopped stroking her hair pagkasabi ko nun. Hinintay ko naman ang reaction niya na either hyper na magsasalita ng, "Talaga? Talaga? Talaga Mon-Mon?" or ang pagkayap niya sa'kin ng halos makasakal-leeg.

A Heart's Antidote (Diamond Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz