21 - Darkness

14K 446 81
                                    

Chapter Twenty One
Darkness

"May alam kayong hiring sa publishing companies?" tanong ni Lindrenne habang nakaharap sa laptop. Nakatambay lang kami dito sa condo. Kami nina Kierre, Eni, at Lin.

"Bakit? Anong gagawin mo?"

"Ay ang ganda. Nagtanong ako, tanong rin ang ibinalik sa'kin. I'm planning to pass manuscripts."

"Whoa. 'Di ka na tanggap." Pagsingit ni Kierre habang busy naman sa paghahanap ng CDs sa may TV.

"Letse! Wala kasi akong magawa. I think I should start working. Hindi katulad ng iba d'yan na may balak yatang maging forever tambay." Ganti niya kay Kierre.

"Hoy! Ngayon lang ako naging tambay for the past hundred yea-."

"SHHHH!" pagsuway ko sa kanila dahil baka magising si Eni na natutulog ngayon sa mga binti ko. Kagagaling niya lang sa treatment dahil sa sakit niya. Sa tingin ko'y lifetime treatment ang kailangan ng mga katulad niyang may ganoong sakit. Nabanggit niya iyon sa'kin. Para lagi siyang nasa kondisyon.

"Hey Lin, try searching. But I know somewhere in QC. Try mo." Tumango ito at bumalik na ang atensyon sa laptop.

Ako nama'y sumandal na rin at pumikit. Kailangan ko ng peace of mind para maka-isip ng ideas sa date. Saka nag-iisip rin ako ng magagandang gawin o puntahan para sulitin ang sembreak. And of course, I want to have a lot of quality time with Eni. Sa tingin ko kasi, kung may patimpalak siguro para sa "Best Boyfriend" ay parang kahit contestant ay hindi ako papasa. I want to be the best boyfriend for her.

♪ They're gonna clean up your looks, with all the lies in the books. To make a citizen out of you, because they sleep with a gun. And keep an eye on you, son. So they can watch all the things you do... ♪

"KIERRE! Hinaan mo naman!" lumingon ito sa'kin at bigla ba namang nilakasan lalo! At pasayaw-sayaw pa. Langya!

"Huy!" binato na ni Lin ng unan si Kierre pero wala lang ito sa kanya at nagsimula pang mag-headbang at sinabayan 'yung kanta.

♪ They could care less as long as someone'll bleed. So darken your clothes or strike a violent pose. Maybe they'll leave you alone, but not me. ♪

Hindi naman ako makabangon dahil natutulog si Enikka sa'kin. Gumalaw nga ito ng kaunti. Walangya talaga si Kierre. Siraulo. Dahil sa inis ni Lin ay hinugot niya ang plug ng speakers. "May natutulog kaya!" at binatukan niya si Kierre. Napailing na lang ako. Mga tugtugan ba naman ni Kierre. Pang-rockers lang? Tss.

"Osige na. Heto na, payapang kanta na ang papatugtugin ko. Mga KJ 'tong mga 'to oh." At nagpout pa ang loko. Kinuha niya 'yung ibang mga CD. "Pili kayo. Mayday Parade, We The Kings, 5 Seconds of Summer, Westlife, Backstreet Boys, Simple Pl-."

"Westlife or Backstreet." Pagputol ko at sumandal na ulit. Mas gusto ko ang mga kanta nila. Kahit malayo na sa kabihasnan ay hindi pa rin nakakasawa ang mga kanta nila.

At sa magandang musika'y tuluyan na nga rin akong nakatulog at nakapagrelax.

***

Pagkagising ko'y nagulat ako sa bumungad sa'kin. "Anong ginagawa niyan dito?"

"Hi." At ngumiti pa ito sa'kin. WTF? Si prinsipeng Ralf epal ba naman ay nandito. Katabi niya si Lin na mukang habang tulog ako ay may tinitignan sila sa laptop. Si Kierre naman ay nasa kabilang sofa rin opposite sa kanila, na may hawak na librong The Fault In Our Stars.

Anong meron? Bakit hindi nila pinapaalis itong hinayupak na 'to? At bakit nila pinapasok dito? Daeff.

"Nagpapatulong sa application form Mond. Relax." - Lin.

A Heart's Antidote (Diamond Series #1)Where stories live. Discover now