7 - Kiss of a Guardian

20.6K 556 70
                                    

Chapter Seven
Kiss of a Guardian

Hindi na namin malaman ni Kierre kung sa paanong paraan namin kakausapin itong babaeng ito.

"Kailangan ko nang gumamit ng magic Kierre."

"Hala paano na yan. Bawal diba? Hangga't nandito tayo sa mundo ng mga tao, bawal gumamit bukod sa pagpapalit mo lang ng anyo. Pero simula nung nagpalit ka, gamit ka na nang gamit! Ano ba Dia?" umatras ang dila ko sa mga sinabi niya. Totoo kasi, nalibang nanaman akong gumamit ng magic. I just can't help it!

"Pero.."

"Walang pero-pero Dia."

"Hindi naman nila tayo nahahanap e-."

"HINDI PA! Correction. Signs are everywhere. Maaaring ngayon wala pa, paano kapag isang trigger na lang ang natitira? Pano kung yang spell na yan na gagamitin mo dito kay baliw ay ang magdala satin sa kanila? Sige nga. At malay natin, tahimik sila kung tumira. Akala lang natin wala, pero nandyan na pala sa tabi-tabi. Baka mamaya itong baliw na 'to pala ang ipinadala nila eh."

"I'm confident enough kasi nga they can't kill me. Always remember that Kierre. Kaya wag kang mabahala."

"Hindi ko alam kung adik ka ba talaga o siraulo. I don't know Dia. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ka nila tutuluyan pero isipin mong mabuti, pano pag nandito na sila mismo sa harapan mo, natin, sa tingin mo magtititigan portion lang tayo dito? Okay fine immortal ka, if they find out, do you think wala silang ibang alternatives? They might make your life miserable. Hindi ka nga nila mapapatay, pero buong buhay mo pahihirapan ka naman nila. Gusto mo bang magdusa? Kasi ako, I'm not a hypocrite to admit na talagang ayokong magdusa Dia."

Kierre hit the right words again. I must say, kahit wizard ako, kahit tinagurian kaming intelligent creatures, we're still not perfect. Kailangan namin ng mga gabay kaya pasasalamat ko talaga dito sa GG ko.

"Ang galing mo Kierre. Nakakabilib."

"Ngayon ka pa talaga bumilib." Natawa siya.

"Ang henyo mo eh. Iba ang takbo ng isip, laging nasa direksyon. Good for you Kierre."

"Wala eh. Kaya nga Guardian. Ito ang purpose namin. Ito ang purpose ko, ang paglingkuran ka and guide you all the way." Buti pa siya, alam ang purpose niya.

"Yeah yeah. Guardians are the brightest creatures in the Fortress. Anyway, sige hinding hindi na ako gagamit ng magic from this day forward. Sasanayin kong muli ang sarili ko. You can keep my things Kierre, kahit pa dun sa hindi ko alam."

"You can always know everything Dia." Sabi niya't kinuha yung inabot ko sa kanyang wand at book.

"Not everything." Pagcorrect ko. Lumingon ulit ako dun sa babaeng nilalaro ang buhok niya ngayon at nagsasalita mag-isa.

"So if this is the case, no magic, no spells. Do your job Kierre. NOW."

"Ha? Ano?"

"Do your own magic. SA KANYA." Turo ko sa babae.

"What magic? Diba kakapag-usap lang natin na bawal na saka isa pa wala akong magi-."

"Minsan ang talino mo, minsan naman ang bobo mo. Tsk. You have! KISS HER!"

"WHAT? ANO KA! IKAW NA LANG!" napabuntong hininga ako ng malalim.

"A Guardian's Kiss? Remember?" nanlaki bigla yung mga mata niya at napaupo bigla sa sofa.

"D-Dia naman. Yang babaeng yan? Hahalikan ko? Dia please don't do this. Hindi pa ako nahihibang kagaya niyan para gawin yun."

Natawa na lang ako bigla. Ang halik kasi ng mga guardian ay isang mabisang pangontra sa isang sumpa at sa poisons. Either way, their kiss can also be a poison. Dual ang gamit. Yung paghalik na may lason ay nagsisilbing defense sa sarili nila. But this time, I want him to kiss this girl hindi para lasunin kundi para pabalikin sa ulirat.

A Heart's Antidote (Diamond Series #1)Where stories live. Discover now