24 - Stone

13K 464 26
                                    

Chapter Twenty Four
Stone

 

Habang ginagamot ko ang bata ay abala rin si Ralf sa pagpapapasok ng mga Soverthells dito sa kaharian. Safe zone kasi dito sa loob. Kahit pasabugan ang kaharian ay hinding-hindi ito masisira o matitibag.

“Diamond.” Natigil ako sa paglalagay ng bandage sa bata nang may tumawag sa’kin. Luminga linga ako sa paligid ngunit wala namang tumatawag sa’kin. Guni-guni ko lang yata.

“Diamond.” Boses ‘yun ng isang lalaki. Napagtanto kong hindi ordinaryong boses ‘yun na maririnig mo lang kapag may tumatawag sa’yo mula sa paligid. Hindi ko matukoy kung saan nanggagaling.

“Blaite?” iniwan ko muna sa kanyang ina ang bata at pilit kong sinusundan ang pinanggagalingan ng boses. Palakas rin nang palakas ang aurang nararamdaman ko habang naglalakad ako sa hallway—papunta sa kwartong pinanggalingan ko kanina. Sa pinahiram na silid sa’kin ni Ralf.

Nakatitig lang ako sa pinto. Halo-halong pakiramdam. Binuksan ko ang pinto’t laking gulat ko dahil iba ang itsura ng loob. Sigurado akong parehong pinto naman ito at ‘yung nilabasan ko kanina. Para akong napunta sa ibang lugar. Palagay ko’y isa itong tore. May mesa at dalawang upuan. Sa mesa naman ay mayroong isang chessboard. Sumilip ako sa malalaking bintana. Napapaligiran ito ng ulap. Parang kapag tumalon dito’y walang katapusan. Nasaan ako?

Napansin ko naman ang opposite wall noong pintuan kung saan ako nakatayo kanina. May mga nakasabit na parang salamin na parihaba ang hugis. Isa, dalawa... maraming salamin. Ngunit sa mga salamin na ito’y nakikita ko ang mga wizards. CCTV lang?

Lumapit ako doo’t nagtaka ako dahil mukang hindi naman pangkasalukuyan ang nangyayari. Sa isang salamin ay napapanood ko si Drey kung hindi ako nagkakamali. Nagsasanay siya kasama ang kapwa niya Walt wizards. Sa sumunod na salamin nama’y pinakitang sinuotan siya ng korona bilang prinsipe. Hala! Ibig sabihin, hindi pala siya anak ng hari at reyna? Ito ‘yung sinabi ni Ralf noon na kapag nagkataong walang anak na lalaki ang hari’t reyna ay paglalabanan ng mga Walt wizards ang trono. Proclaimed Prince lang pala si Dreyxin Black Vlontir, hindi True Heir. Nabwisit ako lalo. Binabahiran niya ng masamang reputasyon ang mga Gemlacks. Sinasayang niya ang pinagkaloob sa kanyang dugo’t apelyidong Gemlack.

Tumingin ulit ako doon sa salamin kung saan nakikipaglaban na siya sa ibang Walt Wizards. Natalo niya lahat. Ang galing niyang makipaglaban. Napansin ko ring mahusay niyang nako-control ang kanyang wand at matalino niyang pinipili ang mga spells na gagamitin. Lumingon naman ako sa ibang salamin. Si Dreyxin nanaman. Grabe! Favorite ba siya nitong mga salamin?

T-Teka... siya ang nagtimpla ng tubig bago maganap ang Walt Battle. At bakit tinitimplahan niya ‘yung tubig? Anong nilagay niya don? Dammit! Nandaya siya! Pinahina niya ang mga kalaban niya para siguradong siya ang panalo! Nakita ko pang nakipagtalo sa kanya si Lindrenne at sinampal niya ito.

Muntikan ko nang kuhanin ‘yung upuan dito at ibalibag sa mga salamin. Ang dami niyang kasuklamang ginawa. Kinulong niya ang totoong anak ng hari’t reyna ng Realm na si Prinsesa Shayne sa isang lampara na kung tutuusin ay dapat niyang tinuturing na kapatid. Pinalabas nilang nagsuicide ang prinsesa dahil hindi nito matanggap ang kalungkutang hindi siya pwedeng mamuno sa kaharian. Siya rin ang may pakana kung bakit nalunod si Prince Rayzer sa Lawa ng Lason. ‘Yun ay dahil gusto niyang siya lang ang mamuno sa buong dimensyon—both Realm and Kingdom.

Isa pang kahalangan ng bituka niyang ginawa ay ang patayin ang hari ng Realm. Siya pala ang pumatay. Ama-amahan na niya ‘yun. Tinuring siyang parang tunay na anak dahil siya ang Proclaimed Prince pero nilason niya ang hari. Siya ang naglagay ng lason sa pagkain nito. Pinalabas niyang ‘yung tagaluto. Pwede naman niyang intayin na nasa tamang edad na siya, bakit kailangan pa niya ‘yung gawin. Ang tamang edad para maging hari ang prinsipe ay 25 years old. 21 years old na siya. Ganun ba siya kasakim sa kapangyarihan at hindi siya makapaghintay?

A Heart's Antidote (Diamond Series #1)Where stories live. Discover now