11 - I Love You

18.4K 527 57
                                    

Note: Natatawa ako sa last chapter. Mga nagsilabasan ang comments. Keye telege. At nakakatuwa ang mga naiisip at reaksyon niyo, pero masanay na kayo, alam niyo namang kontrabida ako. HAHAHAHA! Buti't nakapag-UD rin ako ngayon, dahil wala akong pasok bukas. Salamat sa holiday! :D Yun lang, bago pa ako dumaldal. Enjoy powss! >x)

==========

Chapter Eleven
I Love You

Hindi ko alam ang irereact ko ngayon sa sinabi niya. Mas takot pa siyang hindi na ako makita kaysa mawala siya? Ganun niya ba talaga ako kamahal?

To be honest, I have the knowledge about love but I don't have the wisdom about it. Magkaiba pa rin kasi ang knowledge sa wisdom. Iba ang may alam sa marunong. Alam kong sa kalakalan ng pag-ibig, kapag mahal mo, mahal mo. Wala ng follow-up question, wala ng doubts, at wala na ring lingunan dahil ang lahat ay sigurado at positibo. Na kapag may mahal ka, siya lang at wala ng iba. Sa daang taon ko ba namang pamamalagi dito, napakarami ko nang nasaksihang love stories, naglibot-libot na rin ako sa buong mundo at nalaman ang maraming bagay tungkol dyan, pero ang hindi ko alam... paano?

At kung ano bang mas maganda? Yung pag-aralan mong mahalin ang isang tao o mahulog ka nang kusa dito?

"Mas matakot kang hindi ka na magising. Paano ang pamilya mo? Mga kaibigan? Malulungkot sila. Tss. Ang kulit kulit. Ang tigas ng ulo mo, anong sabi ko? Diba tigilan mo na? Iintayin mo pa bang sabihin ko sayong layuan mo na ako?" alam kong hindi ko dapat ngayon sinasabi sa kanya ang mga bagay na ito dahil may sakit siya pero kung hindi ngayon, kailan pa? Ayoko nang patagalin pa 'to.

Kumapit siya sa damit ko at akmang babangon sana pero pinigilan ko. "M-MonMon wag. Malulungkot ako lalo. Wag. Please. Ikaw ang lakas ko." Nagulat ako sa sinabi niya.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Enikka, sige na matulog ka na. Kulang ka pa sa pahinga." I decided to stop arguing with her today. I think it's not a right time for such conversations. She needs rest.

"Pero.."

"Pero ano?"

"Baka paggising ko wala ka na." I sighed.

"Dito lang ako. Hindi ako aalis sa tabi mo. Now, sleep."

"Totoo? Promise?"

"Promise. Sleep." Pinahiga ko siya nang maayos at kinumutan siya. Umupo ako sa tabing upuan ng kama niya at tinignan siyang matulog.

This is not the first time I encountered this kind of situation. Marami na ring babaeng makulit na naghahabol sa akin noon, pero hindi kasingpursigido ni Enikka. Lahat ay nadadala ko noon sa masamang tingin, sa salitang "NO", at pag-iwas. Lahat sumusuko, lahat nagback-out, lahat puro sa simula lang. Namumukod-tangi si Enikka-full efforts, determined acts, direct words, lahat. Tatagal kaya ito o susuko rin? Well, I doubt it. Alam kong hindi ganoong tipo si Enikka. All of her amuses me. Lahat ng gawin niya, ginugulat niya ako. She never fails to shock me. Lalo pa't siya yung babaeng hindi nahihiyang ipagsigawan sa buong mundo na mahal niya ako. Eek. I know, it's cheesy. Napapailing na lang ako. Nakakabilib siya. Sobra. I salute her with all honesty.

Pumasok si Drix na may dalang pagkain at mga prutas.

"Nakapag-usap na kayo?"

"Oo. I'm helpless. Di ko na alam ang gagawin."

Pinatong niya sa side table yung mga pagkain. "Pasensya ka na, hindi kita matutulungan dyan. Alam mo naman, kapag ginusto ni Enikka, gagawin niya ang lahat. At saka isa pa, suportado ko ang loveteam niyo. Hahaha!" nagsalubong ang kilay k okay Quendrix.

"But look, puro pasakit lang ang dala ko kay Enikka."

"Siguro kung naririnig ka lang niya ngayon, kukurutin ka niyan. Sa totoo lang, ngayon ko lang nakita ang mga ganyang ngiti ni Enikka."

A Heart's Antidote (Diamond Series #1)Where stories live. Discover now