22 - Compromise

13K 430 22
                                    

Chapter Twenty Two
Compromise

Napaupo ako sa isang upuan dito. Pakiramdam ko'y sasabog na ako sa nagsusumidhing galit at takot.

"Dia! Compose yourself first. Walang magandang mangyayari kung galit ang paiiralin mo." Pag-alalay sa'kin ni Kierre. Tulala lang ako dahil iniisip ko si Enikka. Ayokong isipin kung anong pagpapahirap ang ginagawa sa kanya nung hayop na 'yon.

"Paghahandaan kong maigi ang pagpatay sa kanya 'pag may ginawa siyang kahayupan kay Enikka." Nakakumkom na ang kamay ko't tumutulo na ang luha ko.

Lumingon ako kay Ralf. "ANO? MASAYA KA NA?! MASAYA NA KAYO HA?!"

"Nagkakamali ka. Hindi ko ito intensyon. Aaminin ko, nang makarating ako dito'y kinausap na ako ni Dreyxin sa kanyang mga plano. Ngunit iyon ay nung panahong hindi ko pa naman alam ang totoo mong hangarin. At isa kang mabuting nilalang na may magandang kalooban. Ang tingin kasi sa'yo ng lahat ay masamang nilalang dahil isa kang produkto ng bawal at kasalanan."

"Eh tangina, bakit hindi mo sinabi sa'min?" napapasabunot na ako sa buhok ko. "Ang bobo mo Ralf! Kulang pa 'yang suntok ko sa'yo. Kulang na kulang pa."

"Mond, Ralf, enough! Ikaw Ralf, naturingan kang prinsipe pero hindi mo alam ang ginagawa mo. Ako ngang guardian na ni Dreyxin, tinakasan siya. Ikaw pa? Bakit nagawa mo siyang pagkatiwalaan? Isa pang taga-kabilang grupo? Hindi magkaibigan ang dalawa diba? Pero hindi mo ba naisip na dahil sa hindi pagkakaibigan na 'yan, maaaring umusbong ang alitan. Na alinman sa dalawang grupo ay tinuturing na kaaway ang kabila. O ng isa't isa." Natahimik siya sa sinabi ni Lindrenne.

"That was before. Alam kong rule sa'tin na bawal magkasakitan kaya kampante akong hindi kayang gumawa ng masama ni Dreyxin. And he told me that this is not his game, this is our game. Dahil magtutulungan daw kami para mamuno sa Fortress. Which is true dahil kami naman ang heirs ng tigkabilang kaharian."

"You're also aware that there's a thick line between Gemlacks and Soverthells because of what happened 149 years ago. Tapos ngayon nakipagkasundo ka pa sa kapwa mo prinsipe? Dreyxin is not an ordinary prince. The Gemthell sword is in his hands!"

"Pero sa inyo naman talaga nakalagak ang espadang 'yun."

"Oo nga, pero bawal gamitin ng kahit sino. It's placed in a sacred room sa Black Realm kasi nagsisilbi iyong source of power ng buong Gemlack clan! Same goes with the Chapeau of your clan! But what happened? Kinuha niya 'yon for his own good!"

"What?"

"Yes! And he planned to steal the Witted Chapeau too. Kaya nga inunahan ko na siya bago mapasakamay ni Drey 'yun. Kaya nga ako napatalsik sa Fortress. You know it."

"Dreyxin said you want it for a purpose."

"Dam~ him! Binabaliktad niya lang ako. I may be just a guardian, but I am more than deserved to be trusted."

"KRYENDIO!" nagteleport ako pabalik sa condo para kunin ang Chapeau. We may use it against him. Pagkakuha ko noo'y nagteleport ako pabalik sa shop.

"Kinuha ko 'to. This can be our bait against him."

"I can't believe this. Mond, hindi ko talaga alam na ganoon si Drey. Patawad. Pinapangako kong kampi sa inyo ang angkan ng Soverthells. Pagkarating-rating ko doo'y ipoproklama kita bilang isang ganap na parte ng buong dimensyon at hindi ka nila pwedeng kalabanin. Na nasa panig mo kami."

"You can only make that within the White Kingdom, but in Dreyxin's place? I don't think so." - Lin.

"We should make plans. Ikaw Ralf, pagdating doo'y palabasin mong kakampi ka pa rin ni Drey para hindi tumindi ang gulo. Titira ka patalikod. Mas magandang malaman niyang siya lang ang lumalaban, hindi 'yung siya ang kinakalaban. Maghahakot tayo ng kakampi. Ang Soverthells at ang Elemental Line. Dapat ay makumbinsi mo silang karapat-dapat kang tanggapin sa buong dimensyon." Wika ni Kierre.

A Heart's Antidote (Diamond Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora