14 - Accept Me

17.3K 517 32
                                    

Chapter Fourteen
Accept Me

Nagising ako sa pagkakayuko dito sa kamang wala ng nakahigang Enikka.

"Enik-."

"HELLO MON-MON!"

"Enikka! Bakit ka bumangon agad? Hindi ka pa magaling. Humiga ka na ulit." Paano ba naman, nakaupo na siya sa tabi ko. Nakapalumbaba't nakatingin sa'kin. Mukang pinapanood niya akong matulog kanina.

"Okay na ako Mon-M-." humawak siya bigla sa mga tuhod niya.

"Tss. Sabi ko naman kasi sa'yo magpahinga ka eh. Ako ang magsasabi kung okay ka na o hindi. Halika nga." Binuhat ko siya't inihiga ulit doon sa hospital bed.

Pagkahiga ko sa kanya'y nakatitig na siya ngayon sa akin. At tulad kagabi, hindi ko pa rin mabasa ang nasa utak niya. Hindi ko alam na matagal pala ang side effects nung nangyari sa Fortress.

"Bakit?"

"Mon-Mon... 'yung mga nasa mansyon mo kahapon, ano sila?" tumigil pa siya ng ilang sandali saka tumungo. "Kagaya ka ba nila? Edmond... ano ka?" napapitlag ako't natuyuan yata ang lalamunan ko sa sinabi niya. May bahid ng takot ang kanyang boses. Hindi lang takot sa mga nakita niya kahapon, kundi takot rin sa akin. Tinawag niya pa ako sa aking unang pangalan.

"Enikka..." hahawakan ko sana 'yung balikat niya pero lumayo siya ng kaunti. No! No, Enikka.

"No, please. 'Wag kang matakot. Enikka, sabihin mo sa'kin, anong mga nakita mo? Anong ginawa nila sa'yo?"

"Nakakatakot. Nakakatakot sila. Halimaw. Mga halimaw na itim. At 'yung isa, binuhat niya ako sa leeg at parang may hinihigop sa akin. Akala ko mamamatay na ako kahapon." Kahit maputi ang kulaay niya, napansin ko agad ang mga luhang tumutulo sa mata niya. Dammit!

Pinahid ko ang mga 'yon. Napasinghap ako sa sobrang galit. Humanda kaa sa'kin Betas. Humanda ka.

"Hush. Eni, listen. Hindi ako kagaya nila. Hinding-hindi ako magiging katulad nila ha? Wag kang matakot." Tumingin siya sa aking naghihintay pa ng paliwanag ko.

I heaved a deep sigh. "I'm sorry." Binitawan ko ang kanyang muka't naghanda nang i-recite ang Erase Spell. Kailangan ko itong gawin. The more na may alam ka, the more din na apektado ka. At ayoko nang masangkot pa si Enikka sa gulo ng buhay ko.

"Избрише твојот спомен. Лечење тоа не средство. Избрише она што е пронајден, да лежи не се обиде. Лечење она што се гледа, направете го лета!"

(Erase thy memory. Efface it don't pry. Erase what's found, to lie don't try. Efface what's seen, make it fly!!!)

Pagkasabi ko noo'y nakatitig pa rin sa akin si Enikka na kumunot ang noo at puno ng pagtataka ang itsura. DAMMIT! Hindi gumana? How the hell?

"Eni... may naaalala ka pa rin?"

"Mon-Mon, anong nangyayari sa'yo? 'Yan ba 'yung sasabihin mo sa report mo sa Literature natin?" Faaaak! WHAT HAPPENED?

Bakit hindi na gumagana?

Sinubukan ko ulit ng dalawa pang beses pero wala pa ring nangyayari. Walang tumatakas na ala-ala sa kanya. Patuloy ang pagkurap ng mga mata niya na para bang sinusuri kung nababaliw na ba ako o napapraning.

Hinawakan niya tuloy ako sa magkabila kong pisngi. "Mon-Mon! Ang galing mo. Kabisado mong maiigi ang linyang 'yan. Tungkol sa wizards ang report mo ano? Spell 'yan ano?" napasalampak ako sa inuupuan ko kanina. Walang bisa. Natuluyan na ba ang wizard life ko?

A Heart's Antidote (Diamond Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora