9 - First Time

19K 536 45
                                    

Chapter Nine
First Time

"Oh Kierre, bat busangot ang muka mo dyan?" pansin ko pagkapasok namin ni Enikka sa mansyon.

"Wala. Oh, kasama mo pala yung girlfriend mo. Hi Enikka." Kumuha ako ng unan sa sofa at binato kay Kierre.

"Hindi ko yan girlfriend. Asa!" naramdaman ko namang bumitaw si Enikka sa pagkakahawak sa strap ng bag ko.

"Oh bakit? Upo ka muna."

"Uhm, hindi sige doon na muna ako sa garden." Sabay takbo niya papunta.

"Teka.." yung sumbrero kasi baka mapahamak pa.

"Kierre, tawagin mo nga si Lindrenne."

"Ayoko. Bahala siya sa buhay niya." I smell something squiddy.

"LQ?"

"Asa."

"Ah, LQ nga. Inaway mo nanaman ba?"

"Ako pa ang nang-away ah? Bakit di mo siya tanungin. Tignan mo nga pasa pasa na yung katawan ko. Pinagsusuntok at sipa ba naman ako kanina. Amazona yata yan! Walang guardian na mapanakit!"

"Mond, nandyan ka na pala. Oh heto, baked mac. Nakita ko sa cook book kanina. Magmeryenda muna tayo." Sabi ni Lindrenne na galing sa kusina. Mukang may magluluto na ng pagkain para sa amin ni Kierre mula ngayon. Ayos!

"Ikaw na lang kumain niyan. Baka mamaya lasunin mo pa ako. Tsk." Ano naman kayang pinag-awayan ng dalawang 'to?

"Edi wag. Tara Mond. Saka may bisita ka ba sa hardin? Tawagin mo na rin."

"Lindrenne, come here." Pinakita ko sa kanya si Enikka na kasalukuyang kalaro nanaman yung mga halaman. "Is that the Witted Chapeau?"

Napahawak siya sa bibig niya. "Oo! Oo! Yan nga! Buti na lang ang nakita mo."

"Enikka, tara na." lumapit ako sa kanya at kinuha ang braso niya papasok. "Kakain na."

Habang nasa sala kami't kumakain, kinausap ko na ang kanina pa tahimik na si Enikka.

"Enikka, siya nga pala yung may-ari ng sumbrero." Turo ko kay Lindrenne. Inalis na niya sa ulo niya yung sombrero.

"Ahhh oo nga pala. Ate Lindrenne, eto po. Sorry."

Kinuha ni Lindrenne ang sumbrero at nilapag sa center table. "Why are you sorry? Gusto ko ngang magpasalamat kasi nasa mabuting kamay ito. Salamat Enikka Dara."

"Naku! Masyado naman pong pormal ate! Hahaha! Eni na lang po." At ngumiti siya ng pagkahyper-hyper. Buti naman at bumalik na ang energy niya. Teka, why am I even thinking of this?

Pagkatapos ng pagmemeryenda namin ay nakipaglaro ulit si Enikka sa mga halaman ko sa garden. Talagang mahilig siya sa mga halaman. Kakaibang babae. Most girls nowadays? Shopping, internet, or outdoor activities ang hilig. Pero itong si Enikka, kahit yata isang araw siya sa garden hindi siya magsasawa.

"Pano mo nakilala yang chix mong yan Dia?" lumapit sakin yung dalawa dito sa pinto. Si Kierre sa kanan ko, at si Lindrenne naman sa kaliwa.

"Hindi ko yan chix pwede? Kaklase ko yan. Ubod ng kulit. Sobrang hyper. Ayan, magpahanggang dito kinukulit ako."

Tinusok naman ni Kierre ang tagiliran ko. "Yieee. Umiibig ka na."

"Sira. You know I can't."

"Gusto mong malaman kung anong totoo? Use the Chapeau." Sabi naman ni Lindrenne.

"Pero diba ang masasagot lang niyan ay yung mga nangyari sa Fortress?"

"Saan ka ba nila sinumpa? Diba sa Fortress?" singit ni Kierre. Pahiya ako dun ah. Oo nga pala.

A Heart's Antidote (Diamond Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon