18 - Love Feels

16.1K 501 75
                                    

Thankyou po sa lahat ng sumusubaybay. Hindi ko kayo mapasalamatan isa-isa pero super thanks to the maximum level! Haha! Salamat rin kasi nagugustuhan ninyo ang Fantasy genre. :) I appreciate the votes at nakakatuwang comments. Lovelots to the stars and around! (nye :D) Keep the support! *flying kissable kisses* 

==========

Chapter Eighteen
Love Feels

Pagkaraan ng ilang linggo’y wala namang kakaibang nangyari. At sobra ko ‘yong pinagpapasalamat. Nakakapagtaka man pero pinagkikibit-balikat ko na lang dahil nagpapakasaya ako sa buhay kasama si Enikka. Ang cheesy lang pero it feels like heaven!

Ngayon ay finals week na namin. Hindi ko pa yata naenjoy ang pag-aaral, ngayon lang. May anghel ka ba namang palaging nand’yan sa tabi mo, ewan ko na lang kundi pa lumutang ang pakiramdam mo.

Napag-aralan ko naman na ang lahat ng ito kaya minabuti kong tulungan na lang si Enikka sa mga aralin. Sabihin na nating nasa ligaw stage pa rin kami. Ehem.

Natapos ang exams at klase namin kaya nagyaya si Drix ng party sa bahay nila. Tutal mag-isa lang siya dahil nasa states pa ang parents niya at ‘yung girlfriend naman niyang umuwi ngayong buwan dito’y humingi sa kanya ng closure. Daing pa nga niya sa amin ng araw na ‘yon, “Umuwi lang para hiwalayan ako” at saka ito umiyak sa harap namin ni Eni. Hindi namin mapigilang bigyan ng simpatya si Drix kaya nilibang namin siya sa ibang bagay nung mga nakaraang araw. Ipinalangin ko nga na sana’y hindi iyon mangyari sa’min ni Enikka. Hindi pa man kami, pero siyempre... we’re getting there.

Nung araw na ‘yun rin ako nakasaksi ng live na pag-iyak ng isang lalaki dahil sa kanyang minamahal. Totoong kung gaano kalakas ang impact ng ika’y mainlove, doble pa ang lakas ng impact kapag ikaw nama’y iniwan... dahil masakit.

“Wooooh! Sembreak na!” sigaw ni Drix sabay talon sa pool. Kami ni Enikka’y busy naman pag-iihaw. Ang iba naman naming kaklase’y naroon din at nagsisipaglanguyan na. May tugtugan rin, party’ng party talaga.

“Mon-Mon, nasan na daw sina ate Lindrenne?” ininvite na rin ni Drix ‘yung dalawa tutal medyo malaking party rin naman ito’t nagkakila-kilala na rin naman sila nina Kierre noon.

“Papunta na daw sila. Gusto mo na ba magswimming?”

“Tapusin lang natin ‘to. Mauna ka na magbihis?” nakauniform pa kasi kami.

“Sabay na tayo.” Saka ako ngumiti sa kanya. Grabe, teenager feels talaga ang drama ko ngayon. Ano ‘yung term na sabi ni Kierre? Inlababo daw. Tss.

Natapos ang pag-iihaw kaya nagbreak muna sila sa pagsuswimming at kumain. Kami naman ni Eni’y pumasok muna sa sala para kunin ‘yung gamit at magbihis.

Nagulat naman ako nang biglang kinuha ni Eni ‘yung I.D. kong kakasilid ko sa bag.

“ENI!”

“HALA!!! HAHAHAHA!” at nagsimula na siyang tumakbo palayo sa’kin na nakataas pa ang braso para ‘di ko maagaw ‘yung I.D. Para namang hindi ko siya kayang abutin, pero habulin, ang hirap.

“ENI! Akin na ‘yan kasi.”

“Edmond Emerald? Whoaaa! Ang cute cute! Bakit ngayon ko lang nalaman ‘to! Ang daya!” tawa pa rin siya nang tawa habang ingat na ingat naman akong naghahabol sa kanya. Baka kasi may mabasag na vase dito kila Drix. Aish! Eni talaga oh!

“Huli ka!” wala akong choice kundi ang yakapin siya patalikod. Pero kahit ganun, walang epek, tawa pa rin siya nang tawa. Aish! ‘Di ba siya marunong kiligin? Sabi-sabi ‘pag niyayakap ang babae, kinikilig.

A Heart's Antidote (Diamond Series #1)Where stories live. Discover now