4 - Bagong Buhay

22.4K 583 55
                                    

Chapter Four
Bagong Buhay

Gagawin ko talang oranggutan si Kierre! Bwisit yun ah! I thought it was just only EDMOND! Hindi niya ako ininform na may second name na EMERALD! Alam kong sinadya niya yun. Haaay. Pangmatagalang gamit ko pa naman ito. Peste. Nakakapanggalaiti.

Dumungaw ako sa ibaba. Ang taas naman ng building na 'to. Pumikit ako at nakiramdam, shet 15 floors. Ayokong maghagdan. Inunahan rin ako ng utak ko na under maintenance ang elevator ngayon dito. Tsk. Hinintay kong mawala ang mga estudyante sa open field.

30 minutes na rin naman mula nung magbell. I guess wala ng estudyante ngayon sa ibaba. Tatalunin ko na lang ito.

I jumped from the top of this 15-story building. Malaki laki rin palang campus ito. Great!

Hanggang sa may naramdaman akong nakatingin sa akin. Lumingon ako sa kanan. Shit.

A guy's looking at me with a shocked expression. Relax Mond, you have a remedy.

Nilapitan ko yung lalaki at kinausap. "You saw it?" tumango-tango naman ito sa akin. Shit talaga. Ang careless ko.

"Wala lang yun. Akala ko kasi, swimming pool. Color blind kasi ako." Best bulok palusot goes to me. Pagkatapos kong sabihin iyon ay pumitik ako.

"Избрише твојот спомен. Лечење тоа не средство. Избрише она што е пронајден, да лежи не се обиде. Лечење она што се гледа, направете го лета!"

(Erase thy memory. Efface it don't pry. Erase what's found, to lie don't try. Efface what's seen, make it fly!!!)

"DELERE MEMORIAM!"

Nakita kong tumatakas na ang memorya niya mula sa kanya. Good thing. Napaupo siya pagkatapos at tinulungan ko namang tumayo.

"S-salamat." Sabi niyang nagkakamot pa ng ulo. By the looks of him, I think he's a nerdy type? Maayos ang uniform, nakasalamin. Or maybe malabo lang mata. Nakasalamin pero hindi yung malaking eyeglasses. Baka nga malabo lang mata. Anyway, nginitian ko siya't tumalikod na para lumakad palayo.

"T-teka lang!" lumingon naman ako.

"Yes?" nang magtama ang mata naming dalawa'y binasa ko ang lalaking ito. Muka naman siyang matino. Good. Maingat ako lagi, hindi pwedeng sa kung sino-sino lang ako nakikihalubilo. Damn wizardry thing.. again.

"Bago ka ba dito? Ako nga pala si-."

"Yes, bago ako dito. I'm Edmond." Hindi ko na siya pinatapos magpakilala. Maybe I'm not that interested to meet people. Teka, masyado yatang masungit. Well okay na 'to. Challenging ang bagong role. Ayoko na ng cliché na happy-go-lucky type, malanding lalaki, malambing, at mabait. Try ko naman ang ganito, masungit. I guess ganito rin ang ugali at personality ng totoong nagmamay-ari ng katauhang ito. Ito kasi ang unang ugaling lumabas sa akin ngayon eh. Ang masungit at cold. Usually kasi ganun. Kay Raymond Zalazar, he's a jolly person kaya naman lagi akong masaya noon. Chill chill lang. Ngayon sa katauhang Edmond Sioson, sabihin na nating nasa stage palang ako ng pag-aadjust.

"Ooohh. Nice to meet you! Ako naman si Quendrix Kalv Sarrosa." At inabot niya ang kamay niya sakin with matching malawak na ngiti. Takte, bakla ba 'to? Napaka-lively yata ng personality niya. At ang pangalan.. tss, mas gwapo pa rin ang pangalan ko. Just scratch that girly name Emerald. Tch. Speaking of Kierre, I need to catch him and turn him into a leech!

Inabot ko na lang ang kamay niya. Ayokong magkaroon ng bad image dito, bago pa naman ako. Mamaya SCO president pala 'tong nerd na 'to. "Likewise Quendrix! Sige, una na ko. May hahanapin pa ko."

A Heart's Antidote (Diamond Series #1)Where stories live. Discover now