Epilogue

17.8K 668 212
                                    

EPILOGUE

The feeling is so excruciating when you see the one you love dying-dying from saving you. Gusto kong hindi na siya makaramdam pa ng sakit pero ayaw ko rin siyang mawala sa akin. No words can creatively express what I feel.

"M-MonMon..." sabi niya habang hinahabol ang hinga. Inangat niya rin ang kamay niyang kasalikop ng aking kamay na may liwanag pa rin. Nakita ko ang isang bato. Saan ito galing? Sa kamay namin ni Eni?

The source of light and dark.

Tila gumanang muli ang mapurol na makina sa aking ulo. Gumanang muli ang aking utak. Si Dreyxin ay napuno ng kadiliman ang pagkatao dahil nabalot ng galit at kasamaan ang kanyang puso. Ang isa namang may malinis na hangarin, mabuting kalooban, at mapagmahal na puso ang siyang pinagmumulan ng kabutihan at liwanag. Puso ang pinagmumulan.

Napalabas namin ni Eni ang totoong bato dahil sa aming pagmamahal sa isa't isa. Mabilis kong kinuha iyon pati ang kamay ni Eni. Hindi ko alam ang gamit ng bato pero humiling na lang ako. "Simula ngayon, pagmamahal ang siyang laging mamamayani. Pag-ibig ang ugat, pag-ibig din ang bunga. Pag-ibig ang simula, at pag-ibig rin ang huli. Hanggang sa maging tubig ang bato, at ang bato ay tubig."

Kumunot ang noo ni Enikka habang napapansin ko ang unti-unting pag-akyat ng itim na kulay sa kanyang balat. "That's forever to remain Enikka. Forever always." Nagliwanag ang bato at umakyat na ito sa kalangitan kasama ng araw, buwan, at mga bituin.

Ngumiti siya sa'kin bago pumikit at hiniga ko na siya ng maayos. Sagad sa buto ang sakit.

Nilapitan na ako nina Sefrie at iniabot sa'kin ang espada at sumbrero. Umiling ako sa kanila at sinabi kong nararapat iyong ibalik sa magkahiwalay na kaharian.

Sinira ko ang kulungang pinagkakalagyan ni Lindrenne. "Kierre loves you Lin. He denies it, but I assure it. Please live." Natunaw ang yelong kumulong kay Lin at nanghihina pa man ay nilapitan si Kierre sa kabilang kulungan. Binato niya at sinira ang kasumpa-sumpang mansanas na kinagatan ni Kierre. Lumuluha siya ngunit nagawa niyang halikan si Kierre na ikinagulat ko. Nagising ito.

Napaatras naman ako sa biglang paglapit ng beast na si Ralf sa akin. May kinuha siyang lampara sa ilalim ng kama ni Eni at kiniskis 'yon ng maraming beses. Nagulat ako nang may lumabas na babae mula roon. "Prinsesa Shayne." Tumungo sina Sefrie pagkasabi non. Siya pala ang kinulong ni Drix sa lampara na anak ng hari't reyna. Niyakap niya ang kahabag-habag na si Ralf. She kissed him and suddenly ay bumalik ito sa kanyang katauhan.

Wait... What if...

"Dia!" lumapit sina Kierre sa'kin na iika-ika at nanghihina pa rin.

"I lost her." And I break down with tears again.

Pero maya-maya'y ikinagulat ko nang batukan ako ni Kierre. "Tumingin ka sa itaas. Sa paligid mo."

Nakita ko ang isang makinang bagay sa itaas, sa gitna ng araw at buwan. Ang bato! Nagliwanag ito na nakapagpabalik sa dating kulay ng Fortress. Ang kaninang madilim at malungkot na paligid ay napalitan ng masigla at maaliwalas na tanawin. Nakita ko ring nagyayakapan at nagpapalitan na ng batian ang mga sumabak sa labanan kanina.

"Masaya ang lahat. Gusto kong maging masaya pero hindi ko magawa. This would take forever to endure the sadness."

Binatukan naman ako ni Lin. Nakita kong nagtatawa sina Ralf at Shayne na magkaakbay. "Bakit ba? Nagluluksa na nga ako. I need space. Iwan niyo muna ako."

"Ang drama mo kase! Tumingin ka nga." Hinawakan ni Lin ang muka ko at ibinaling kay Enikka. "Direkta ang liwanag sa kanya mula sa itaas." Lalo akong nalungkot sa sinabi niya.

A Heart's Antidote (Diamond Series #1)Where stories live. Discover now