20 - Ang Prinsipe

15K 475 39
                                    

Chapter Twenty
Ang Prinsipe

"Kierre, tama ka. Isang asungot ang nandito ngayon." Bungad ko pagpasok namin ni Enikka sa condo.

Napatigil sa pagjajackstone 'yung dalawang damulag. "Oh? The who?"

"Ralf."

"PRINCE RALF?" gulat nilang sabi't tumayo.

Umupo na kami ni Enikka sa sofa at sumunod 'yung dalawa. "Anong ginagawa niya dito? How'd you met him? Nagkausap kayo? Pinagtangkaan ka ba niya?" sunod-sunod nilang tanong.

"I saw him, with Enikka." Sabay lingon ko kay Eni. Tahimik naman siyang nakikinig sa'min habang hawak pa rin 'yung kamay ko. Nagtinginan sina Kierre at Lin.

"So you met him. Anong sinabi niya sa'yo? At ikaw sa kanya?" bumaling rin ang atensyon nung dalawa kay Eni, "Bakit mo siya kasama?"

Tumingin ako kay Eni na nagsasasabing ako na ang magpapaliwanag ng lahat. "Nagpalitan lang kami ng kasarkastikuhan. Muntik ko na ring paliparin ang ulo niya. Magkasama sila dahil muntik na masagasaan si Eni, niligtas niya. Kaya napigilan ko ng katiting ang galit ko sa kanya. Kung ano man ang dahilan kung bakit siya nandito, sigurado akong hindi iyon maganda."

"Hala. Okay ka na ba Eni?" sabi ni Kierre. Tumango-tango siya sa tabi ko.

"'Yun lang ang nangyari? Ano daw ang ipinunta niya?"

"Of course hindi ko na 'yun tinanong. Muka namang hindi niya ako kilala, at pinaramdam ko rin sa kanyang hindi ko siya kilala."

"Sa tingin ko may alam siya. Bakit siya mag-aaksaya ng oras dito kung hindi ikaw ang pakay niya. Mag-ingat kayong dalawa."

"Gustong-gusto ko nang basahin ang isip niya kanina pero pinigilan ko. Nakakainis. Kung bakit kasi lahat ng wizards ay mind-readers. Dapat bawal 'yun eh!" nagduda ako sa biglaang pagtitinginan nina Kierre at Lin. "Bakit?"

"A-Ah w-wala. Oo nga dapat bawal 'yun eh. Tama." Uneasy nilang tugon.

"Anong meron? May hindi kayo sinasabi. Your minds are telling me that you both are hiding something."

"Aaminin na ba natin Kierre?"

"Ang alin?" iritado kong sabi. Ano nanaman ba ang hindi ko alam.

"Huminahon ka Dia. Ang totoo niyan..." nagbuntong-hininga pa siya. "Hindi lahat ng wizards ay mind-readers. Iilan lang kayo. Ang mga royalty lang ang mind-readers sa Fortress, kahit ang mga Walt wizards hindi. Basta royalty lang. Kaya nga nagtaka ako kung bakit may kakayahan ka ring ganun Dia. At isa pa, ang pagiging mind-reader ng isang wizard ay naipagkakaloob lang pag naging royalty ka. Kapag naging hari, reyna, prinsipe o prinsesa ang isang wizard. Automatic na 'yun. Pero 'yung inborn na tulad mo, walang ganun. Ikaw lang. Itinago ko 'yun sa'yo kasi ayokong mabahala ka masyado sa pagkatao mo. Baka isipin mong isa ka na ngang produkto ng kasalanan tapos abnormal ka pa. Diba masakit 'yun?" at ngumiting panloko pa si Kierre.

"Kahit ayokong alamin ang lahat ng tungkol sa'kin, lilitaw at lilitaw rin naman 'yun eventually. And kung pagiging abnormal pala ang ganito, ayos na rin. Napakinabangan ko ng sobra ang pagiging mind-reader. I take it as an advantage." Nagkibit-balikat ako sa kanila. "So ganun pa rin, royalty si Ralf, hindi ko pwedeng basahin ang utak niya dahil mababasa niya rin ang utak ko. Mag-ingat rin kayo sa kanya. 'Pag nakita niyo siya, sabihin niyo agad sa'kin."

Matapos ang pag-uusap na 'yun ay ihinatid ko na si Enikka sa kanila. Siniguro ko ring nandoon ang mga magulang niya. Mabuti na lang at malawak ang pang-unawa sa'min ni Enikka. At tanggap niya kami. Lalo na ako.

Kinabukasa'y kami naman nina Kierre at Lin ang pumunta kina Enikka. Naglaro kami ng Xbox mula umaga hanggang sa magtanghali'y biglang may umepal.

Tumawag sa'kin ang phone ni Enikka na na kay Ralf pala. Naiwala niya ito kahapon dahil sa insidente. 'Yun pala, na kay Ralf lang. Kaya pala niya nasabing, "See you again Enikka". Peste! Is this his plan? I should brace myself then! Paghahandaan kita. Prinsipe ka lang.

A Heart's Antidote (Diamond Series #1)Where stories live. Discover now