25 - Final Battle

13.4K 482 58
                                    

Note: Sorry late update. May sakit kasi ang inyong author. This is the last chapter, wait for the epilogue. 

==========

Chapter Twenty Five
Final Battle

 

Dia! Nasaan ka na? Nanganganib si Enikka!

Nataranta ako lalo nang umabot sa utak ko ang mensahe ni Kierre. Nagmadali akong sumakay ng puting kabayo patungo sa Charmers Stadium. Nababalot ako ngayon ng takot sa anumang panganib ang pwedeng gawin ni Drey kay Eni. Hindi ko siya mapapatawad.

Pagkaapak-apak ko pa lamang ay sinugod na agad ako ng mga Drakkis kaya’t wala akong nagawa kundi ang kalabanin sila. “DAVRANTUS!” At dahil lumlipad ang mga ito’y nahirapan akong kalabanin silang mag-isa. Hindi nawawala ang tamang liwanag sa aking mga pulso.

Ang natira... ang halimaw na si Betas.

Narinig ko ang paghagulgol ni Lindrenne sa kawalan. Natatanaw kong nasa kaduluhan sila nitong stadium. Malayong-malayo pa sa kinatatayuan ko. May mga bwisit pa kasing umeeksena. Lalo na itong Betas na ‘to. Pabida. Pero ang ikinakakaba ko, bakit umiiyak si Lindrenne at binabanggit niya ang pangalan ni Enikka. Tumindi ang kaba ko.

Ang ganda pala ng balat mo Enikka. So pure and innocent. Masarap haplusin at halik-halikan.

W-What t-the? Drey... anong ginagawa mo sa mahal ko? Pakiramdam ko’y unti-unting pinipiga ang mata ko para maglabas ng luha.

Malademonyong humalakhak bigla si Betas sa harap ko at sinakal ako. “Tama ang dating mo, pero huli ka pa rin.” At tumawa nanaman siya. Ayoko nang mag-aksaya ng oras sa’yong bwisit ka! Si Enikka! Pinagsasamantalahan na ni Drey! Bush~t!

Nilabas ko ang wand at nanggagalaiti kong isinaksak kay Betas. “DIE.” Tanging sinabi ko pero nagawa nitong pasabugin si Betas.

Kumaripas ako ng takbo papunta sa dulo. May mga alagad pang Gemlacks dito na pinapatamaan ako ng kani-kanilang wand ngunit hindi ko na ‘yon pinansin. Hinaharangan pa ako ng iba pero pilit ko silang pinapatalsik. Kailangan kong makaabot kay Enikka. Kailangan kong makarating agad sa kanya. Palapit nang palapit ay nararamdaman ko ang unti-unti kong panghihina. Sugatan na ako’t puro dugo. Pero patuloy lang ako sa pagtakbo. Diretso ang tingin ko kahit natatabunan ng luhang nagbabadyang bumagsak ang mga mata ko.  

Natigil ako sa pagtakbo nang makita ko na sila. Nabitawan ko lahat ng hawak ko’t napaluhod sa nakita ko. Nakahiga si Enikka sa kamang itim. Hubad na’t walang malay habang nakaupo si Drey sa dulo ng kama’t hinahaplos ang hita niya. P*tang~na.

Namumuo ang sobrang galit sa ulo ko. Mabibigat na ang hinga ko at nagpupuyos na talaga ako sa galit. Malapit na akong sumabog.

“A-Anong ginawa mo sa kanya...” nanginginig kong sabi habang nanggigigil ang mga nakakuyom kong kamay. Umiiyak si Lindrenne sa kanan habang nakakulong at si Kierre nama’y tulalang nakulong rin sa nangyayari.

“Oh, nandito ka na pala.” Tumigil siya sa paghaplos kay Eni at humarap na sa akin. Halos malaglag ang ulo ko sa pagkakakabit nito sa leeg ko.

Si Quendrix.

“D-Drix?”

“Ako nga Ed. I mean, Diamond. Nasurprise ka ba? Happy deadly birthday!” sinabayan niya iyon ng paghalakhak.

A Heart's Antidote (Diamond Series #1)Where stories live. Discover now