23 - I Am

13.8K 475 55
                                    

Chapter Twenty Three
I Am

Lumabas ako ng kaharian. Matatalim ang tingin sa’kin ng mga kawal ngunit hindi naman nila ako ginagalaw o pinagtangkaang kalabanin. Marahil ay utos ito ng walang kwenta nilang prinsipe. Nasaan ba ang hari dito? At bakit ang lakas ng apog ng Drey na ‘yun na maghari-harian. Hindi pa naman nagaganap ang sunod na koronasyon. Pesteng nilalang!

Hanggang sa makalabas ako ng gate ng kaharian ay hindi pa rin ako tinatantanan ng mga matang mapansiyasat. May mga bahay-bahay sa paligid. Parang baryo lang. Parang isang komunidad. Siguro’y ito naman ang community ng iba’t ibang angkang nabanggit noon ni Ralf. Ang mga Oretter, Haflux, Cindroso, Jiquas, Vlontir, Syrwon, at iba pa.

Sa paglalakad ko’y nakita ko rin ang ilang kabataang nagsasanay ng mahika sa parang isang malaking field dito. Halo-halong mga Gemlack Walt, Cryst, at Nix wizards.

Napatigil ako sa paglalakad nang mayroong batang pumunta sa harap ko’t tinitigan ako. Hanggang sa malaman ko na lang ay tumungo ito sa akin. He bowed down in front of me.

Lumapit bigla ang sa tingin ko’y ina nito. “Ano ka bang bata ka! Hindi siya ang ating prinsipe. Isa siyang ligaw na estranghero dito.” Sabi nitong mukang nandidiri pa sa’kin. Buti naman ang estranghero lang ang sinabi niyang description sa’kin kahit alam kong batid niya na ako si Diamond. Hinila niya ang bata na nakatingin pa rin ng diretso sa’kin. Ngumiti na lang ako sa kanya.

 May grupo pa ng mga kabataang mukang maaangas ang humarang sa’kin. Mga nakangisi pa. “Ikaw ba si Diamond? ‘Yung anak ng mga taksil?” talaga bang kakabit na ‘yon ng pangalan ko? Gusto kong malungkot pero ayokong magmukang mahina sa harapan nila.

Tumingin pa ako sa mga marka nila. Mga Nix wizards pero ang lalakas na ng loob maghamon. “Oo, bakit? Kayo ba?”

“Ako si Death Syrwon. May angal ka? Ano? Idaan natin sa laban.” Paghahamon pa nito. Mukang mapupusok ang angkan ng Syrwon.

“Hindi ako lumalaban sa mga baguhan.” Alam kong hindi tamang patulan ko pa ang paghahamon niya pero hindi ko mapigilan lalo na’t ininsulto nila ang rurok ng aking pagkatao.

Tinulak ako nito dahil sa agarang galit. Nilabas pa nila ang kanilang mga wand.

“Lumaban kayo ng patas. Wala akong wand, kaya ‘wag din kayong gumamit ng wand.” Simple’t kalmado kong sabi. Nakita ko ang paghigpit lalo ng hawak sa kanilang mga wand.

“Tama ang sabi-sabi tungkol sa’yo. Hindi ka mabuting salamangkero. Kaya hindi ka nararapat dito.”

“Pano mo ‘yan nasabi gayong hindi mo pa napapatunayan? Sabihan mo ako ng masama kung hinarangan ko kayo at nginisian. Sabihan niyo ako ng masama kung wala naman kayong ginagawa tapos hahamunin ko kayong bigla. Sabihan niyo akong masama kung ininsulto ko ang pagkatao niyo. Hindi naman diba? Sino ngayon sa atin ang hindi mabuting salamangkero?”

Nilagpasan ko na sila at nagsimula nang maglakad. Pero bago ako makalayo’y nilingon kong muli ang mga kabataang ito. “At isa pa pala, may payo ko sa inyo. ‘Wag niyong tutularan si Dreyxin dahil hindi siya marunong lumaban ng patas. Nawa’y mapabilis ang pagiging Cryst wizards ninyo.” Saka ako ngumiti at tumalikod na.

Nakakailang hakbang pa lang ko’y ngsalita silang muli. “Salamat ginoo. Thank you your highness.” Nanlaki ang mata ko sa itinawag nila sa’kin. Napalilibutan na kami kanina pa ng mga Gemlacks pero mas lalo yatang dumami nang nakita ko silang lumuhod at nag-bow sa harap ko.

Bago ko pa sila malapitan ay biglang kumulog ng malakas at kumidlat mismo sa harap ko. Dumating bigla si Dreyxin... at nakita ko na ang kanyang muka. Wala siyang binatbat sa pagkagandang lalaki ko. Psh! Nagawa ko pa talagang maging conceited.

A Heart's Antidote (Diamond Series #1)Where stories live. Discover now