16 - Ang Itlog

16.9K 550 78
                                    

Chapter Sixteen
Ang Itlog

Sa kaibuturan ng aming panaginip ay masaya naming pinagmamasdan ang magandang kalangitan ng Magique Fortress. Gamit ang malinaw na ala-ala ko sa lugar na ito'y nagawa kong ipasyal si Enikka. Inilibot ko siya sa Elemental Line ng Fortress-sa Brown Hole, Crystal Falls, Crimson Underground, at sa Wingsen Tower. Naglalakbay kami ngayon dito sa teritoryo ng mga pixie at sprite sa Wingsen, ang Pixie Lair. Tuwang-tuwa namang nagtatatakbo si Enikka sa napakalaking hardin na punong-puno ng naggagandahang bulaklak at halaman, mga punong kay hihiwaga ng mga bunga, at mga fairies na itong maligayang nagliliparan sa paligid.

"Mon-Mon, tignan mo oh! Ang cucute nila! Pwede ko ba silang iuwi?" sabi niya habang nakikipaglaro sa mga fairies. "Whoa! Ang cute cute mo! Anong name mo? Ako si Enikka!" pagkausap niya doon sa isang nakaupo sa kanyang palad.

Lumapit ako. "Siya raw si Athia. At sabi niya, mas cute ka raw."

"Aww, sayang 'di ko sila niintindihan. Teka, sinabi niya 'yun? Baka ikaw lang nagsabi niyan Mon-Mon ah!"

"Hindi ah! Bakit naman kita sasabihan ng cute eh hindi ka naman cute!" sabi kong naging dahilan ng pagnguso niya. Nakita ko namang humagikgik ang mga fairies na nakapaligid sa'min. Sinuotan tuloy nila kami ng flower crowns! Hay, kahit mga fairies marunong mang-asar. Si Kierre kaya ang nagturo sa kanila? Speaking of Kierre, maayos kaya ang lagay niya? I hope so.

Hinila ko siya sa kamay at sumakay na kami sa broomstick pabalik ng Cloud Castle. Humiga kami sa mga ulap at nagsimulang mag-star-sun-moon-gazing. Magsimula yata ng dalhin ko siya rito'y hindi na mapawi ang ngiti niya. Ang ganda tuloy ng view. Ahm, ano, nung mga stars.

"Napakaganda! Parang abot kamay ko na sila." Tinaas pa niya't winagayway ang kamay. "Ay Mon-Mon! Punta tayo doon. Hindi mo pa ako naitu-tour doon oh!" tinuro niya 'yung dalawang kaharian. "Anong tawag d'yan? Saan ka d'yan nakatira?"

"'Yan ang White Kingdom at Black Realm. Gustuhin ko man pero hindi pwede. Hindi pa nga rin ako nakakapasok d'yan. I think I don't belong here."

"Ha? Ano bang sinasabi mo? Dito ka kaya galing, ito ang tahanan mo, panong 'di ka belong?!"

"May mga pagkakataon sa buhay na kahit tahanan mo na, hindi ka welcome. Kahit magkauri na, hindi ka pa rin nababagay. At kahit wala kang ginagawang masama, hindi ka exempted na kamuhian." Ngumiti akong parang okay lang ang lahat. "Life is fair at being unfair."

Kumunot ang noo niya, "Ha? Teka, nakalog yata ang brain skull ko. Ha?"

Natawa ako sa reaksyon niya. Nahawa na yata ako kina Kierre at Lin na malalalim magsalita. "Life is unfair to all. And that's what makes it fair." Nakatingin pa rin siya sa'kin kaya nilapat ko na lang 'yung point finger ko sa noo niya. "Don't stress yourself to understand it. Tara na?" tumayo ako't tinulungan siyang bumangon.

"Alis na tayo? Dito na lang ako titira!"

"Sira!" hinawakan ko siya sa braso. "It's time to wake up in this beautiful dream."

Nagising akong parang totoong nanggaling sa paglalakbay. May kapaguran man pero masaya ang gising ko. I hope she feels the same. Time check, 5:32am. Since Friday ngayon, 7:30 ang pasok namin. Bumangon na ako't nabutan kong nagsasaing na si Lin.

Napatigil siya bigla, "Oh? San ka galing? Ano 'yan?" nagtaka pa ako sa tanong niya. Nginuso niya 'yung nasa ulo ko. Kinapa ko 'yun. Hala, 'yung flower crown. Paanong?

"Wait, gumamit kang spell 'no?" tumango ako. "Dream Spell?"

"Pano mo nalaman? Mind-reader ka na rin?"

"Nope. Halata kasi eh. First use?"

"Oo."

"That explains." Sinabi niyang tuwing gagamitin ang spell na 'yun, mayroon talagang isang bagay na maiiwan bilang bakas ng ala-ala. Nabahala tuloy ako dahil siguradong may flower crown din si Eni. Baka mabisto akong isinama ko siya sa panaginip ko.

A Heart's Antidote (Diamond Series #1)Where stories live. Discover now