Prologue

533 11 2
                                    

Skyla Mae Alcantara Sebastian is the name.

Babaeng walang ibang pinakikialaman kundi pagkain. Pagkain dito, pagkain doon. FOOD IS LIFE okay?

Ako yung tipo na, kain ng kain pero hindi tumataba. Hindi ko rin alam kung bakit. Psh.

Ako yung kain ng kain, pero maganda pa rin! Sexy pa din! Duh.

I have friends, ofcourse. FRIENDS, FOOD, FAMILY ARE MY LIFE. Ganern yern!

Buong buhay ko umiikot sa FOODS.

Wala akong ibang bukambibig kundi FOODS.

Pero isang araw, sadyang puro FOODS na lang talaga ang laman ng isip ko. Hindi lang isip ko, pati na rin puso ko, kaluluwa ko! Charing. Hahahaha.

Hindi literal na FOODS. FOODS as in, Falling Over and Over Daemon S.

Yan! Yan ang dahilan! Biglang naging yan ang meaning ng FOODS para sakin!

Kung dati, hindi ako nagsasayang ni katiting na pagkain, isang araw bigla na lang, parang ayoko na ng pagkain. Ayoko ng kumain.

At kung noon, puro FOODS na pagkain ang nasa utak ko, biglang isang araw, hindi na lang bigla. Ahuehue.

Pero naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan. Hindi ko alam.

Sino ba? Sinong DAEMON S. ba dapat ang piliin ko? Ang karapat-dapat para sakin? Ang itinadhana para sakin?

Si Daemon Saldivar ba? Isang mahirap na lalake. Mahirap pero matino ang pagkatao. Maayos ang pagpapalaki. Mabait. Matalino. Masayahin. Madaldal. Maalaga. Mapagmahal.

O baka naman, si Daemon Salazar? Isang mayamang lalake. Mayaman na hambog pa. Hindi yata natutukan habang lumalaki. Tarantado pero matalino. Masungit na, mukha pang patapon. Snob na, napakatipid pang magsalita.
Nagbago ang buhay ko nung dumating silang dalawa sa buhay ko. Magkaiba sila, sobra. At magkaiba rin ang nararamdaman ko para sa kanila.

Pero sino nga ba? Sino nga ba ang Daemon S. na hindi ko makalimutan? Ang paulit-ulit kong binabalikan? Ang patuloy kong pinaglalaban?

I am Skyla Mae Alcantara Sebastian, and I am F.O.O.D.S. FALLING OVER AND OVER DAEMON S.

I am F.O.O.D.S. (Completed)Where stories live. Discover now