Chapter 7

122 5 0
                                    

SKYLA'S P.O.V.

"Mom, we'll be sharing our room na lang ha? Malawak naman ang room ko kaya kasya na kami dun ni Skie. Please?", sabi ni Altzhea sa Mommy niya

Nung makalabas kasi ako sa hospital, sinabi ni Altzhea na sa kanila muna ako tumira. Umayaw ako nung una, pero sadyang mapilit siya. Hindi niya talaga ko tinigilan.

"It's fine iha. As long as okay lang kay Skyla", sagot ng Mommy niya saka siya ngumiti sakin

"Okay lang po", sagot ko

Ayoko mang kasama si Altzhea dahil ag awkward at dahil masyado siyang madaldal, nakakahiya namang magreklamo. Bisita na nga lang ako, magrereklamo pa ba ko? 'Wag na.

"Okay. Basta, feel at home iha okay?", nakangiting sabi ng Mommy ni Zee saka na siya umalis dahil may business meeting pa raw.

"Gusto mong mag-ikot ikot muna? Hindi ka naman mawawala dito", sabi ni Zee

"Sige", sagot ko

"Maliligo lang muna ako ha? Alam mo naman na kung saan ang kwarto", sabi niya

Tumango na lang ako bilang sagot. Ngumiti naman siya at tumakbo na paakyat ng kwarto niya. Habang ako, naglakad-lakad muna.

-

"Ang laki na ng pinagbago ni Skyla ano? Parang dati lang, ang bata bata pa nila", rinig kong sabi ng isang katulong

"Oo nga ho. Nakakalungkot lang isipin na, sa napakamurang edad nawalan siya ng pamilya. At ang masakit pa ay wala siyang naaalalang kahit ano", sagot nung isa pa

Magulang? May alam sila sa nakaraan ko. Sino ba talaga ako?

"Siguro nga'y mas mabuti na rin na wala siyang naaalala. Dahil baka hindi niya kayanin ang sakit ng mawalan ng buong pamilya", sabi nung isa pa

Napahawak ako sa ulo ko nung bigla akong makaramdam ng pagkirot. Napahawak ako sa may lamesa pero wrong move dahil nasagi ko yung isang vase.

"Halah jusko po!", sigaw nung isang katulong at kaagad akong pinuntahan

"Ayos ka lang po ba Ma'am Skyla?", nag-aalalang tanong niya

Napapikit ako at huminga ng malalim bago sumagot.

"Kung ikaw ba ang nasa posisyon ko, at nalaman mong wala kang naaalalang kahit na ano. Nalaman mong nawalan ka ng pamilya sa napakamurang edad. Tapos tatanungin kita kung ayos ka lang ba, anong mararamdaman mo?", sabi ko

Nakita ko ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya. Nakita ko ang guilt sa kanyang ekspresyon. Hindi ko intensyon 'yon, pero kusang lumabas sakin ang mga sinabi ko.

"Pasensya na po", sabi niya

Tumango na lang ako at umalis na don. Bakit pakiramdam ko, habang mas nakikilala ko ang pagkatao ko, lahat nagiging magulo? Pakiramdam ko, walang mabuting maidudulot sakin ang pag-alala sa nakaraan ko.

"Skyla?"

Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko, pero hindi ko siya kilala. Napakunot-noo na lang ako. Isa rin ba siya sa mga kakilala ko sa nakaraan ko?

"Ikaw nga!", sabi niya

Tapos bigla siyang ngumiti ng malawak at tumakbo papalapit sakin saka niya ko niyakap ng mahigpit.

"Ang tagal din nating hindi nagkita!", masayang sabi niya

Ramdam ko yung saya sa boses niya. Pero bakit hindi ko siya maalala?

"Kilala mo ko?", tanong ko

Inalis niya ang pagkakayakap niya sakin at tinitigan ako. Bigla ring sumeryoso ang mukha niya. Creepy.

"Totoo nga, wala kang naalala. Akala ko hindi totoo, pero ngayon, nasagot na ang tanong ko", sabi niya

Hindi na lang ako sumagot at naupo sa may buhangin habang pinapanood ang paglubog ng araw. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko kinahiligan ko ng gawin ang bagay na 'to.

Umalis kasi ako sa bahay nila Altzhea sandali, para magpahangin. Pakiramdam ko, kapag nagtagal pa ako don, hindi ako makakahinga. Hindi ko kakayanin.

"Sino ka ba?", tanong ko

Umupo siya sa tabi ko at tumingin sa dagat. Napatawa siya ng bahagya dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam kung may nakakatawa ba sa tinanong ko.

"Ayokong sabihin. Gusto ko, kusa mong maalala kung sino ako. Kung ano ba ko sa buhay mo", sabi niya

Hindi na ko umimik pa. Wala naman akong sasabihin.

"Dati, sabi mo sakin, wala kang ibang pangarap kundi makita yung pamilya mong masaya. Yung manatili kayong masaya. Pangarap mo dati, maging isang successful lawyer. Ngayon ba, yun pa din ang pangarap mo?", seryosong sabi niya habang nakatingin sa dagat

Talaga? Yun ang pangarap ko? Pero ang alam ko, ang pangarap ko, maging isang doctor at hindi abogado.

"Kung hindi ka ba nawala, kung hindi ka ba nagka-amnesia, magiging ganito kaya kagulo ang lahat?", tanong niya

Mismong ako ay hindi ko alam kung anong isasagot sa mga sinasabi niya. Wala kasi akong alam.

"Ngayon ba, naguguluhan ka pa din? Kung sino ba sa kanilang dalawa ang mas mahalaga sayo. Kung sino ba sa kanilang dalawa ang mas mahal mo. Kung sino ba sa kanilang dalawa ang mas nakakapagpasaya sayo. Kung sino ba sa kanilang dalawa ang mas hindi mo kayang mawala. Si Kise? Si Dart?", tanong niya

Anong kinalaman ng dalawang 'yon? Bakit sila nadadawit dito? Anong ibig niyang sabihin?

"Hindi mo na pala kailangang sagutin. Kasi noon pa lang, alam ko na mismo sa sarili ko ang sagot", sabi niya

Saka siya tumayo at hinila ako patayo. Tapos nagulat na lang ako nung bigla niya kong niyakap. Pakiramdam ko naramdaman ko na ang yakap na 'to, noon pa.

"Umuwi ka na. Ingatan mo ang sarili mo. Kung magtitiwala ka man, sarili mo lang ang pagkatiwalaan mo. 'Wag kang agad agad na nagtitiwala kung kani-kanino. 'Wag mo agad paniniwalaan ang sasabihin nila sayo. Pero kahit anong mangyari, magtiwala ka sa kung anong sinasabi ng puso mo. Skyla, protektahan mo ang sarili mo. Kung may magliligtas man sayo sa kapahamakan dito, sarili mo lang. O kung meron man, ikaw lang ang nakakaalam kung sino", dagdag pa niya

Saka siya kumalas sa pagkakayakap sakin at nagsimulang maglakad palayo. Ni minsan, hindi na niya ko nilingon pa.

Bakit? Anong ibig niyang sabihin? Sino ba siya? Anong parte niya sa nakaraan ko?

I am F.O.O.D.S. (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora