Chapter 17

119 8 0
                                    

ALTZHEA'S P.O.V.

Nung lumabas si Skyla, sinundan ko siya kung san siya pupunta. Simula kasi nung nahimatay siya sa may restaurant, gusto ni Dase mabantayan siya ng maayos.

[San siya?] text ni Dase

Napatingin ako sa kung nasan kami, ni hindi ko namamalayang nasa hospital na pala kami. Tsaka, papunta siya sa room ni Shan.

[Kay Shan?] reply ko

Hindi na nag-reply ulit si Dase.

Sinundan ko lang si Skyla hanggang sa, tama nga ako. Kay Shan siya pupunta. Nung makapasok siya, nag-antay ako ng ilang minuto bago binuksan ng kaunti ang pinto.

"Oh, anong ginagawa mo dito? Imposibleng binibisita mo 'ko", sabi ni Shan

"Masama ba kung ganun nga?", tanong ni Skyla

Napatawa si Shan saka siya tumingin ng masama kay Skyla.

"Ang plastic mo", sabi ni Shan

Pumalakpak si Skyla ng mabagal tapos ngumisi siya kay Shan.

"Ako? Plastic? Eh ikaw? Anong tawag mo sa sarili mo Shan? Manggagamit? Sinungaling? Manloloko? Traydor? Doble kara? Ano pa?", seryosong sabi ni Skyla

Anong... anong ibig niyang sabihin? Akala ko ba hindi niya naaalala si Shan?

"Ano namang ibig mong sabihin diyan?", inis na tanong ni Shan

"Bakit hindi mo sagutin ang sarili mong tanong Shan? Alam mo ang sagot sa tanong mo. Alam mo kung anong tinutukoy ko!", sigaw ni Skyla

Natahimik si Shan at napayuko. Nakita ko rin ang pagpunas niya ng luha.

"Anong klaseng kaibigan Shan? You're my sister's bestfriend to be exact. Nakita mo ang lahat Shan! Why did you just sit the hell up and kept everything away?! You could've done something! But you chose to be silent! Pano mo nagawa 'yon Shan!? Pano?!", sigaw ni Skyla

Nandun... si Shan?

"Ang selfish mo! Anong dahilan mo Shan!? Anong dahilan mo!? Kahit saang anggulo ko tignan, wala akong makitang rason para traydurin mo ang kapatid ko! Shan wala siyang ginawang masama sayo! Kaya sabihin mo sakin, anong dahilan mo!?", sigaw ni Skyla

"Ikaw!", sigaw ni Shan

Napatigil si Skyla. Hindi siya agad nakapagsalita. Dulot na rin siguro ng gulat.

"Dahil sayo! Gusto kong maging miserable ka! Gusto kong mahirapan ka ng husto! I want you to be in pain! I want you to be hurt!", sigaw ni Shan

Unti-unting tumulo ang mga luha ni Skyla.

"Anong... anong ginawa ko sayo Shan? Anong kasalanan ko sayo? Ano?!", sigaw ni Skyla

"Inagaw mo sakin lahat! Si Dase! Si Tezuka! Si Dart! Akin lang si Dart pero inagaw mo siya!", sigaw ni Shan

Napatawa ng mapakla si Skyla sa sinabi ni Shan. Nang dahil lang don?

"Wala akong inagaw sayo Shan. Hindi mo sila pag-aari. Kahit kailan, hindi sila naging sayo!", sigaw ni Skyla

"No! They were mine before you came and messed up everything!", sigaw ni Shan

Hindi sumagot si Skyla.

"Sakin si Dart! Akin lang siya! But when you came, he started to change! Palagi na lang ikaw! Laging ikaw ang bukambibig niya! Si Skyla ganito, si Skyla ganyan! Palaging ikaw! Inagaw mo sakin si Dart!", sigaw ni Shan

"He liked Shyla. Hindi ako Shan. Kahit kailan hindi ako nagustuhan ni Ritz", sabi ni Skyla

Napatawa si Shan at napangisi.

"Sa tingin mo, si Shyla? Tanga ka kung ganon Skyla. Pag-isipan mong mabuti. Sa tingin mo, bakit sinagip ni Dart ang buhay mo? Bakit mas pinili niyang siya ang masaksak imbes na ikaw?", seryosong sabi ni Shan

Oh my gosh.

"Huwag mong lagyan ng malisya ang lahat ng bagay Shan. Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, malamang gagawin din ni Dart 'yon", sagot ni Skyla

Napatawa at napailing-iling si Shan.

"Nagkakamali ka Sky. Masyado kang nabulang sa pagmamahal mo kay Dart kaya yung nararamdaman niya para sayo, hindi mo na makita", sabi ni Shan

Pero... imposible. Ang sabi ni Dart, mula noon pa, si Shyla na ang gusto niya. Ang sabi niya, kahit kailan hindi niya nagustuhan si Skyla. Panong...

"Aalis na ko. Sana kainin ka ng konsensya mo sa ginawa mo sa kapatid ko", sabi ni Skyla

Saka na siya akmang lalabas pero tinawag siya ni Shan.

"Even though I am mad towards you way back then, I really treated you as a friend Skie. As well as Shy. Believe me or not, I treasured you as my friends", sabi ni Shan

Hindi na sumagot si Skyla at naglakad papunta sa pinto. Agad akong tumakbo at nagtago saglit. Hanggang sa makaalis si Skyla.

Binuksan ko ulit ng kaunti ang pinto at sinilip si Shan. I saw her holding a frame while crying.

"Shy, I'm sorry. I am really sorry", umiiyak na sabi ni Shan

Napabuntong-hininga na lang ako at isinara ang pinto saka ko sinundan si Skyla. Aish, san na naman ba siya pupunta?

-

TEZUKA'S P.O.V.

"Hanggang kailan ka magtatago sa maskarang 'yan? Hanggang kailan mo siya pahihirapan?", tanong ko sa kanya

"Hanggang kaya ko. Hangga't gusto ko", sagot niya

Napayukom ako ng kamao.

"Tigilan mo na siya. Hayaan mo na siyang mabuhay ng payapa", sabi ko

Lumingon siya sakin at nginisian ako.

"Bakit? Bakit mo hinihingi sakin 'yan ngayon Tezuka? Anong dahilan mo?", seryosong sabi niya

"Mahal ko siya", simpleng sagot ko

Pumalakpak lang siya at tinawanan ako.

"Mahal? Haha. Kung mahal mo siya, sana matagal mo na kong isinuplong para nabuhay na siya ng mapayapa. Pero, may ginawa ka ba? Wala. Iyan ba ang mahal? Iyan ba ang ibig sabihin ng pagmamahal sayo, Tezuka?", saad niya

"Nagkakamali ka. May ginawa ako. May ginawa ako para sa babaeng mahal ko", sabi ko

Hindi siya nagsalita at kumunot ang noo niya.

"Nagsakripisyo ako. Nanatili akong tahimik para sa kanya. Nanatili akong buhay para protektahan siya at bantayan siya sa lahat ng oras. Pinili ko ang mabuhay para maprotektahan ko siya sayo. Ganon ako magmahal. Akala niyo lang wala akong ginawa, dun kayo nagkamali", sabi ko

Hindi siya nakasagot.

"Ikaw... ikaw ang walang alam sa pagmamahal. Dahil ang meron lang sayo, puro kasamaan. Puro kasakiman. Hindi ka marunong magmahal. Hindi mo alam kung paano magmahal", sabi ko

Saka na ko tumalikod sa kanya.

"Tigilan mo na siya habang maaga pa. Sana, sapat ng si Dart ang sagot sa lahat ng kasakiman mo", sabi ko

Saka na ko umalis ng tuluyan mula sa bahay na 'yon. Kahit kailan, hinding-hindi na ko babalik dito. Hinding-hindi na.

I am F.O.O.D.S. (Completed)Where stories live. Discover now