Chapter 16

125 6 0
                                    

SKYLA'S P.O.V.

Nakapagtataka lang kung paano at saan nakuha nung babaeng na-meet ko sa sementeryo ang phone number ko. Tumawag kasi siya at sabi niya may sasabihin siyang importante.

"Saan ka na naman pupunta aber? Aba. Araw-araw ka na yatang may lakad ah", sabi ni Altzhea

"Sabihin mo, pinapabantayan ako ni Dase. Sabihin mo kung gusto mong sumama, hindi yung sinusundan mo ko ng patago. Nagmumukha kang stalker", sagot ko

Napasimangot naman siya at tumabi sakin.

"Ih kasi naman. Busy daw si Dase eh, kaya hindi ka niya mababantayan. Sakin pinasa", sabi ni Altzhea

Napailing na lang ako at napatawa, kinilig din ako dahil kay Dase. He never failed to make me smile.

"Whatever. Tara na nga, baka kanina pa naghihintay yung kikitain ko", sabi ko

"Sino ba?", tanong niya

"A girl I met at the cemetery", sagot ko

Hindi naman na siya sumagot pa at napatango-tango na lang. Somehow, I thank God for giving me Altzhea as my friend.

-

Pagkarating namin sa sinabi niyang lugar, iginala ko ang tingin ko pero hindi ko mahagilap yung babaeng na-meet ko sa sementeryo.

Idinial ko ang number niya, at nakailang ring ito bago niya sinagot.

"Nandito na ko. Nasan ka?", tanong ko

"Puntahan mo yung babaeng nakasuot ng black na sumbrero at naka-black na damit. Siya ang may kailangan sayo", sagot niya

Magsasalita pa sana ako pero bigla na lang niyang pinatay ang tawag. Tinawagan ko ulit siya pero naka-off na ang phone niya.

Iginala ko ang tingin ko at hinanap ng babaeng tinutukoy niya. Hanggang sa mahanap ko siya. Nakaupo siya dun sa may pinakadulong table.

"Tara dun tayo", sabi ko kay Altzhea

Tumango naman siya at sumunod sakin.

"Hi, ako si Skyla. May kailangan ka daw sakin?", bungad ko sa babaeng 'to

Napahawak ako sa dulo ng mesa nung mag-angat siya ng tingin. This can't be true.

"S-Shyla", nauutal na sabi ni Altzhea

Pakiramdam ko nanghina ako bigla nung makita ko siya.

"Kamusta?", nakangiting sabi niya

Hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa na buhay siya o dapat ba kong magalit kasi kingina, buhay pala siya pero ngayon lang siya nagpakita.

"Hindi niyo man lang ba ko na-miss?", saad niya

Napatingala ako para pigilan ang luhang gustong kumawala mula sa mga mata ko. Saka ko siya tinignan pero nginitian niya lang ako.

"Seriously Shy? Pagkatapos akalain ng lahat na patay ka na, you'll show up and ask that nonsense question!?", sigaw ko sa kanya

"Sky", pag-aawat sakin ni Altzhea

"Ano?! Sumagot ka! Anong gusto mo? Magtatatalon kami sa tuwa kasi all this time buhay ka?! Ha?!", sigaw ko

"I don't want you to jump because of happiness Skie. I want you to be thankful because I am alive. May naiwan pa sayo. May pamilya ka pa", sagot niya

"Wow Shy, wow! May naiwan pa pala? Hindi ko ramdam! I almost died because of being alone all this time! Tapos sasabihin mo saking, may naiwan pa sakin? May pamilya pa ko? Wow!", sarkastikong sabi ko

I am F.O.O.D.S. (Completed)Where stories live. Discover now