Chapter 18

115 4 0
                                    

SKYLA'S P.O.V.

Isang linggo ang nakalipas, at patuloy siya sa panggugulo sakin. Blessing in disguise na lang na hindi niya ko ginagalaw. Pero lagi siyang nakasunod san man ako magpunta.

"Skyla"

Napatigil ako sa paglalakad nung marinig ko ang boses niya. Nilingon ko siya at tinitigan sa mata.

"I'm... I'm sor-"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at sinuntok ko siya. Sinuntok ko siya ng malakas.

"Anong kinalaman mo sa kanya? Ano?!", sigaw ko

Bumangon siya at nagpunas ng dugo sa labi niya.

"Wala", simpleng sagot niya

Ngumis ako at hinila ang kwelyo niya pababa para magkapantay kami.

"Hindi aabot sa ganito ang lahat kung mas maaga mo lang sinabi sakin ang lahat. Pwede mo kaming tulungan. Pero tarantado ka kasi wala kang ginawa! Wala kang kwenta!", sigaw ko sa kanya

Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya at inayos ang damit niya.

"Huwag tayo dito mag-usap. Nabibilang na lang din naman ang mga araw ko, sasabihin ko na sayo ang nalalaman ko", sabi niya

"Sa tingin mo, pagkakatiwalaan pa kita? Pagkatapos ng ginawa mo?", seryoso kong saad sa kanya

Hindi ko akalain na siya pa ang tratraydor sakin.

"Kagaya ng sinabi ko sayo noon, nasa sayo kung sino ang pagkakatiwalaan mo. Sasabihin ko kung ano ang nalalaman ko. Nasa sayo na kung paniniwalaan mo ko o hindi", sagot niya

Saka na siya naunang naglakad palayo.

Nagdadalawang-isip ako kung susunod ba ko o hindi. But in the end, I found myself following him.

-

"Magsalita ka", sabi ko

"Nandun din ako nung gabing 'yon. Nakita ko ang nangyari", sabi niya

Napayukom ako ng kamao nung marinig ko ang sinabi niya.

"Gago ka!", sigaw ko saka ko hinampas ang mesa

Dahilan para mapatingin samin ang lahat ng taong kumakain sa restaurant kung nasaan kami. Yumuko lang siya at mas ibinaba ang suot niyang sumbrero.

"Nandun ka pero pinanood mo lang na mamatay ang kapatid ko! Nandun ka pero wala kang ginawa! Mas matanda ka samin Tezuka! Mas may magagawa ka! Pero wala kang ginawa!", sigaw ko

"Calm down first Skyla!", sigaw niya pabalik

"Kalma?! Pagkatapos ng mga sinasabi mo ngayon sakin, gusto mong kumalma ako?! Ha! Gago ka ba?!", sigaw ko

"Walang mangyayari kung magagalit ka. Just listen to me first!", sigaw niya

Ikinalma ko ang sarili ko at nanahimik. Pero kumukulo talaga ang dugo ko. Kingina.

"Nandun ako pero kagaya mo, napangunahan din ako ng takot. Mas matanda ako sayo, pero ano din ba ang magagawa ko? May armas siya Skyla. Anong laban ko sa taong may armas?", saad niya

"Nabuhay ka Tezuka. Bakit hindi ka nagsalita? Bakit hindika tumestigo? Anong silbi mo? Kaibigan ka ba talaga? O kaaway?", sagot ko sa kanya

Ngumisi siya at napatawa ng bahagya.

"Kung ikaw nga pinagbantaan niya, sa tingin mo ba ako, hindi?", seryosong sabi niya

Hindi ako nakapagsalita.

"Gustong-gusto kong tumestigo. Kagaya mo, gusto ko ng hustisya para kay Shyla. Pero hindi ko kayang ipagkalulo ang pamilya ko Sky. Nawalan ako ng kaibigan, pati ba naman pamilya, mawawala pa sakin?", sabi niya

"Huwag mong isumbat sakin ang ganyan Tezuka. Nawalan din ako ng pamilya. Buong pamilya, in case you forgot. Hindi lang pamilya ang nawala sakin, buhay ko, alaala ko, kayong mga kaibigan ko. Parehas lang tayo. Pero alam mo kung anong pinagkaiba natin? Lumalaban ako. Pinili ko ang maging matapang samantalang ikaw, pinili mo ang maging duwag", sabi ko

"Bahala ka sa gusto mong isipin Skyla. Sa tingin ko, hindi mo na kailangan pa ang mga sasabihin ko. Matalino ka naman, kaya alam kong malulutas mo 'to. Pero babalaan lang kita, magmasid ka sa paligid mo. Sa mga taong nasa paligid mo. Isa sa kanila ang tratraydor sayo", saad niya

Saka na siya tumayo at umalis. Naiwan akong tulala at iniisip kung sino ba ang tinutukoy niya. Sino? Sino sa kanila ang traydor?

-

SOMEONE'S P.O.V.

Pinanood ko siyang maglakad paalis ng restaurant. Tinignan ko rin Skyla na naiwan sa loob.

"Wala siyang ibang sinabi. Sinabi niya lang na nandun siya nung gabing 'yon", sambit niya

"Good", saad ko

Napalabas ako ng kotse nung makita kong nawalan ng malay si Skyla pagkalabas niya ng restaurant.

"Skyla!", sigaw ko

"Ako na"

Napalingon ako sa nagsalita.

"Manahimik ka na. Patahimikin mo na siya. Patahimikin mo na ang lahat! Walang magandang mangyayari sa ginagawa mo! Napakamakasarili mo!", sigaw niya

Saka niya binuhat si Skyla at isinakay sa kotse niya. Naiwan akong tulala at pinanood silang umalis.

Am I being selfish?

I am F.O.O.D.S. (Completed)Where stories live. Discover now