Chapter 6

122 5 0
                                    

DASE'S P.O.V.

"Skyla! Skyla!", sigaw ko habang inaalog si Skyla

Mabuti na lang at nakatakbo ako ng mabilis at nasalo ko siya.

"Skie", mahinang sambit ni Dart

Akmang hahawakan niya si Skyla pero tinabig ko ang kamay niya. Tumingin siya sakin ng deretso pero tanging galit ang nararamdaman ko.

"You're doing it again Ritz. You're doing it wrong again", seryoso kong sabi

Saka ko binuhat si Skyla at agad na ipinasok sa kotse. Sumunod naman sakin si Altzhea.

"Dase, bilis! Bilisan mo!", natatarantang sabi ni Altzhea

"Fuck it! I'm trying!", sigaw ko

Nagmamaneho na ko ng mabilis pero hindi ko naman hahayaang may mangyaring masama lalo samin.

-

Pagdating namin sa hospital, agad siyang inasikaso as soon na nakita nila kung sino siya.

"Doc, anong problema?", tanong ko sa Doctor

Lumapit siya sakin at tinapik ako sa balikat.

"She's going to be okay. Nahimatay lang siya dahil sa sobrang pagod at dahil na rin sa may lagnat siya. She just needs to rest. And if possible, she should take in vitamins to keep her body strong", sabi ng Doctor

"Thank you doc", sabi ko

Nginitian niya lang ako saka na siya lumabas ng kwarto.

"Bibili lang ako ng pagkain. Ikaw muna ang magbantay sa kanya", sabi ko kay Altzhea

Pagkahawak ko sa pinto, napatigil ako kaagad nung magsalita si Altzhea.

"Dase, narinig mo yung sinabi niya kay Dart. Paano kung... Paano kung nakakaalala na siya? Will she be mad at us? Will she hate us?", tanong ni Altzhea

Napapikit ako ng mariin at napabuntong-hininga.

"She won't Zee. Don't think too much", sagot ko

"Pero, may kasalanan tayo Dase", sabi niya

Ramdam ko ang guilt sa boses niya.

"Look, ang tanging kasalanan natin Zee ay masyado pa tayong bata when it happened. Okay? Wala tayong magagawa kahit na gustuhin man nating tumulong", sabi ko

Hindi ko na hinintay ang sumunod na sasabihin niya at lumabas na ng room. Napasandal ako sa pinto pagkalabas ko.

-

ALTZHEA'S P.O.V.

"Zee"

Nagising ako sa pagtawag sakin ni Skyla. Gising na pala siya. Tsaka, bakit ang tagal ni Dase?

"Gising ka na pala. Kamusta pakiramdam mo?", tanong ko sa kanya

"Ayos na ko. Kailan daw ako makakalabas?", tanong niya

"Hindi ko alam eh. Si Dase kasi ang kinausap ng doctor kanina", sagot ko

"Sana sa clinic niyo na lang ako dinala. Bakit dito pa? Wala akong pambayad", sabi niya

Napatawa na lang ako. Kung alam mo lang sana.

"Okay na. Huwag mo ng problemahin. Nabayaran na namin", sabi ko

Hindi na siya sumagot at napapikit na lang. Napalingon ako nung biglang bumukas ang pinto. Akala ko si Dase, pero si Dart pala.

"Zee pwede bang-"

I am F.O.O.D.S. (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin