DART'S P.O.V.
Hanggang ngayon tumatakbo pa rin sa isip ko ang sinabi sakin ni Tezuka. Dahil sa sinabi niya, naguguluhan ako. Ginulo niya yung utak ko.
"Hindi ka ba papasok?", tanong ni Dase sakin
Hindi ko siya sinagot hanggang sa narinig ko na lang ang pagsara ng pinto ng kwarto ko.
Napapikit na lang ako at biglang bumalik sakin ang lahat.
"Dart! Bakit ba ang sungit mo sakin!? Palagi na lang! Nakakainis ka!", sigaw ni Skyla
"Kailan ba 'yan naging mabait?", sagot ni Altzhea
"Grabe kayo kay Dart. Hahahaha", sabi naman ni Shyla
"Ano bang pakialam mo? Magsusungit ako kung gusto ko. Sarili ko 'to, hindi iyo", sabi ko kay Skyla
Saka ko siya tinalikuran. Pagkatalikod ko, gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa sinabi ko sa kanya. Bakit ko nga ba sinabi 'yon sa kanya? Tsk.
"Hayaan mo na siya Skie. Nandito pa naman ako eh. Hahahaha", rinig kong sabi ni Dase
Napatigil ako sa paglalakad nung sabihin ni Dase 'yon. Parang nag-init ang ulo ko sa sinabi niya.
Agad akong naglakad pabalik sa kanila at hinawakan ang mga kamay ni Skyla.
"Hindi ako nagsusungit sayo. Sinong may sabing nagsusungit ako?", sabi ko
Saka ko siya hinila paalis. Tahimik lang siya at 'yon ang nakapagtataka.
"Huwag ka ngang lapit ng lapit kay Dase. Dito ka lang sa tabi ko", sabi ko
Pero hindi siya sumagot.
"Ayokong sumasama ka sa kanya. Gusto ko sakin ka lang sumama. Naiintindihan mo?", sabi ko ulit
Saka ako tumigil sa paglalakad at humarap sa kanya.
"Dart, si Shyla ako hindi si Skyla", biglang sabi niya
Nagulat ako sa sinabi niya. Hanggang ngayon kasi nalilito ako sa kanila kasi parehas na parehas sila ng mukha.
"S-sorry", nauutal na sabi ko
Ngumiti lang siya pero nakita kong paiyak na siya.
"Ayos lang. Baliw ka. Sa susunod, tignan mo muna kung sino samin ha? Palagi ka na lang kasing nagkakamali. Palaging ako ang napipili mo", malungkot na sabi niya
Nakonsensya ako sa sinabi niya. Tama siya. Sa mga ganitong pagkakataon palagi na lang na si Shyla ang nahihila ko. Palagi akong nagkakamali.
"Hindi", biglang sabi ko
"Anong hindi?", tanong niya
"Hindi ako nagkakamali. Ikaw naman talaga ang pinipili ko. Hayaan mo sila Dase at Skyla. Ang isipin mo, ako at ikaw. Naiintindihan mo?", sabi ko
Nawala ang lungkot sa mukha niya at napalitan iyon ng ngiti sa labi. Isang matamis na ngiti.
"Hayaan ako? Okay. Si Shyla ang pinipili mo? Okay. Magsama kayong dalawa. I hate you"
Nawala ulit ang mga ngiti sa labi ni Shyla at tumabi sakin. Saktong pagtabi niya sakin ay nakita ko ang pagpunas ng luha ni Skyla.
"S-Skie", sabi nina Altzhea at Shyla
"Alam mong may gusto ako kay Dart. Alam mong crush ko siya. Sayo ako nagkwekwento palagi. Ayun pala, may gusto ka din sa kanya", seryoso niyang sabi kay Shyla
YOU ARE READING
I am F.O.O.D.S. (Completed)
RandomWhat if no matter how hard I try....I still fall for him over and over again? Story Started: June 25, 2017 Story Ended: November 8, 2017 Book Cover: KGC GRAPHIC SHOP