Chapter 5

145 7 0
                                    

SKYLA'S P.O.V.

"Skiee! Dun tayo dali!", sigaw ng bestfriend kong baliw

"Teka lang! Takbo ka ng takbo! Ang sakit na ng paa ko!", sigaw ko

Hingal na hingal na ko. Kanina pa kami tumatakbo. Ang sakit na din ng mga paa ko.

"Lika na. Bubuhatin kita", seryosong sabi ng bwisit na lalaking 'to

"Di ko kailangan ng tulong mo. Epal ka. Layas!", inis na sabi ko

"Tsk. Ikaw na nga ang tinutulungan, ikaw pa maarte. Tss", sabi niya

Saka na siya naunang umalis. Kita mo 'yon. Tsk. Bilis sumuko. Psh.

"Dart!", sigaw ng isang lalake sa likod

Napalingon ako at nakita ko ang ngiti mula sa kanyang labi.

"Siraulo talaga 'yon. Oh ano? Kaya mo pa? Oh buhatin na kita?", nakangiting tanong niya

Napatulala ako sa kanya at hindi alam kung ano ang isasagot ko.

"Lika na", sabi niya

Tapos hinila niya ang kamay ko at sinabit iyon sa leeg niya. Bale, nakapigg back ride ako sa kanya.

"Bakit ang bait mo sakin?", tanong ko

Nakita ko ang pagngiti niya.

"Kasi.... asdfghjkl",

Hindi ko narinig ang huling sinabi niya kasi biglang sumigaw sina Zee at Dart.

"Dase, salamat", sabi ko

"Kahit ano, basta ikaw", sagot niya

Bigla akong napamulat habang hinahabol ko ang hininga ko. Isang panaginip na naman. Isang panaginip na hindi ko matukoy kung ano ang nais ipahiwatig. Isang panaginip kung saan, hindi ko maaninag ang mga mukha nila.

Napapikit ako saglit dahil biglang sumakit ang ulo ko. Saka ako tumayo at pumaso kaagad sa banyo para maligo. Ayokong ma-late sa school.

-

"Skieeeee!", nakangiting bungad sakin ni Altzhea nung makapasok ako sa room

Yung ngiti niya, napakapamilyar. Parang parehas sila nung ngiti ng babaeng nasa panaginip ko.

"Uy. Ayos ka lang ba? Namumutla ka", bakas sa boses niya ang pag-aalala

Ngumiti ako ng pilit at tumango. Hindi, baka akala ko lang siya yung nasa panaginip ko. Baka parehas lang sila ng ngiti. Baka nagkataon lang na parehas sila ng boses.

"Oh. Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo? Bakit ang putla mo?", bungad sakin ni Daemon

"Ayos lang ako. Ano ba kayo. Pero, may itatanong lang ako sa inyo. Ang weird lang kasi", sabi ko

Biglang sumeryoso ang mukha nilang dalawa. Tila ba, kinikilatis nila ko.

"Ano ba itatanong mo?", tanong ni Daemon

Sumeryoso ako at tumitig sa kanilang dalawa.

"Magkakakilala ba tayo noon pa? May pangyayari ba na hindi ko alam? May alam ba kayo na hindi ko alam?", seryoso kong sabi

Natahimik silang dalawa at nagkatinginan. Pakiramdam ko tuloy para akong tanga na walang kaalam-alam. Parang may alam sila sa pagkatao ko na hindi ko alam.

"Kung magkakakilala kayo noon pa, edi sana hindi sla ganyan maitungo sayo. Sana nung una pa lang hindi na sila nakipagkilala pa sayo. Ano? Siraulo lang? Magkakakilala na pero nakipagkilala pa lang nung first day?"

I am F.O.O.D.S. (Completed)Where stories live. Discover now