Chapter 2

170 7 0
                                    

SKYLA'S P.O.V.

Matapos ang klase hinila ako kaagad ni Altzhea papuntang canteen.

"Ano gusto mo?", tanong niya sakin

"Teka. Wala akong pera oy. Hindi ako mayaman kagaya niyo. Nakapasok lang ako dito dahil sa scholarship. Kaya wag na. Ikaw na lang", sabi ko

Totoo naman kasi. Yung perang nakukuha ko sa scholarship ko, pang-tuition ko yun tsaka sa ibang school fees. Yung pambayad ko sa boarding house, yung pangkain ko araw araw, at ibang gastusin ko para mabuhay, pinagtratrabahuhan ko yun. Working student ako.

"No. I insist. Sige na. Ako ang magbabayad", nakangiting sabi niya

"Hindi. Wag na", sabi ko

"Sige na please? Tutal magkaibigan naman tayo diba? Please?", nakapout na sabi niya

Hindi na ko sumagot. Bakit ba ang cute niya? Mas bata ako sa kanya, pero mas bata pa yata siya umakto kesa sakin.

"Silence means yes. Ako bahala sayo! Ako na bahala sa kakainin mo. Hanap ka na kang ng table natin ha?", sabi niya

Saka na siya pumila at iniwan ako. Aish. Napailing na lang ako ay naghanap ng bakanteng upuan.

"Ooops. Look guys! It's Sebastian! Yung babaeng nambastos kay Daemon", sabi ng isang babae

Napapikit na lang ako. Ayoko makipag-away. Hindi ako nakikipag-away. Okay okaaay. Kalma. Inhale, exhale.

"Hey girl! Look at us! Wag kang snobbera! Akala mo naman maganda ka!", sigaw sakin ng isang babae

Hooo. Kalma Skie. Ikain mo na lang yan mamaya. Wag mo na pansinin. Remember, first day mo. Isipin mo yung scholarship mo.

"Girls, don't bully her. Nananahimik yung tao. It's not her fault kung nasagot niya si Daemon. Daemon was rude tho"

Napalingon ako sa nagsalita. Siya yung isang Daemon.

"But Daemon", sabi nung isa

"Leave", seryosong sabi nung Daemon

Padabog namang umalis yung mga babae. Sinamaan muna nila ko ng tingin bago sila umalis. Looks like, may balak pa silang balikan ako ah? Hays.

"Okay ka lang?", tanong niya sakin

Tumango ako bilang pagsagot. Sakto namang dumating si Altzhea.

"Ooh. May kasama ka pala Sky", sabi niya

Mukha niya parang nanunukso na ewan.

"Di ah. Napadaan lang", sabi ko

Di ko naman kasi siya kasama eh.

"Pwede ba kong maki-table sa inyo?", nakangiting tanong niya kay Altzhea

"Sure", nakangiting sabi ni Altzhea

Tapos umupo siya sa tabi ko. Sa harapan namin si Daemon.

"Ako nga pala si Daemon Saldivar. You can call me whatever you want", sabi niya

"Talaga? So pwede kitang tawaging bakla?", tanong ko

"Hahahahahahaha!", malakas na tawa ni Altzhea

Napatingin ako sa kanya. Bigla naman siyang nagtakip ng bibig pero tumatawa pa rin siya.

"Wag naman ganyan. Grabe ka sakin", sabi ni Daemon

"Dun ako komportable eh", sagot ko

Saka ako sumubo ng palabok. Yun binili ni Altzhea eh. Palabok tas siomai, tas C2.

"Sige na nga. Bahala ka", sabi niya

Napatawa na lang ako ng mahina. Papayag din pala, dami pang satsat eh.

"Anong meron sa inyo?", bulong sakin ni Altzhea

Napalingon naman ako sa kanya at napakunot-noo dahil sa tanong niya.

"Walang samin", sagot ko

Wala naman talaga eh. Meron ba? Ngayon ko nga lang nakilala yan.

"Ayieee. Ikaw ha. Baka mamaya may past pala kayo, hindi mo sinasabi sakin", panunukso niya

Halos maibuga ko yung iniinom ko dahil sa sinabi niya.

"Oh, okay ka lang? Bakit ba? Anong nangyari sayo?", sunod sunod na tanong ni Daemon

"Omg!", sigaw ng isang babae

Saka ko lang napagtanto na nakatayo ngayon si Daemon habang pinupunasan yung bibig ko.

"GET THE HELL OUT OF MY SIGHT!"

Napalingon ako sa sumigaw at nakita ko yung isang Daemon. Si Devil Daemon. Tsk tsk.

"Sorry Dart", nakayukong sabi nung babae

Saka sila nagtatatakbo paalis. Teka, Dart? Akala ko ba Daemon ang pangalan niya?

"Dart. Short for Ritz Daemon", biglang sabi ni Daemon Bakla

Teka, Ritz? San ko nga ba narinig ang pangalan na yon?

"Ritz Daemon Salazar ang totoong pangalan nya. But he prefer calling him Daemon or Dart. Ayaw niyang tinatawag siya sa una niyang pangalan", sabi ni Daemon

"Hindi ko naman tinatanong", sabi ko

"Mukha kang nagtatanong", natatawa niyang sagot

Napairap na lang ako.

"Gwapo sana noh? Kaso hambog", bulong sakin ni Altzhea

"Hindi naman siya ganyan dati. I mean, oo ganyan na ang ugali niya noon pa. Pero hindi ganyan kalala", sabi ulit ni Daemon

"Close kayo? Pwede mo ba kaming kwentuhan tungkol sa kanya?", sabi ni Altzhea kay Daemon

"Hindi kami malapit sa isa't isa ni Ritz. Bata pa lang kami, malayo na ang loob niyan sakin. Hindi ko alam kung bakit. Kahit na gustong gusto ko siya maging kaibigan dati, ayaw niya. Palagi niya kong pinagtatabuyan. He usually calls me "epal" ng buhay niya. Haha. Ewan ko ba diyan", sabi ni Daemon

"Teka, panong bata pa lang kayo? Tsaka, akala ko ba ayaw niyang tinatawag siya sa first name niya? Bakit yun ang tawag mo sa kanya?", sabi ni Altzhea

Oo nga noh?

"Bata pa lang magkakilala na kami. Magbestfriend ang papa ko at ang papa niya. Pero hindi kami magkasundo ni Ritz. Ritz ang tawag ko sa kanya dahil mas komportable ako dun. Ang weird lang kung tatawagin ko siyang DAEMON eh parehas kami ng pangalan", sagot ni Daemon

"SHUT UP DASE", biglang sabi ng isang lalaki

"What? Wala naman akong kwinentong masama tungkol sayo Ritz", sabi ni Daemon

Tapos biglang tumingin si Dart sakin. Okay, Dart na lang ang itatawag ko sakanya para di ako malito sa dalawang Daemon na 'to.

"You. Get lost", biglang sabi niya sakin

Saka siya umirap at naglakad paalis. Sumunod naman yung dalawang alipores niya. Aba. Get lost daw, pero siya ang umalis. Ano? Siraulo lang?

"Pagpasensyahan mo na si Ritz. Ganun lang talaga siya. Sige, mauna na ko", nakangiting sabi ni Daemon

Saka siya tumalikod at umalis. Napapikit ako ng konti at napahawak sa ulo ko. Bakit parang nangyari na yung ganitong scene?

"Skyla okay ka lang ba? Anong masakit sayo?", tanong ni Altzhea saka niya ko hinawakan

"O-okay lang ako", nauutal na sagot ko

Saka ko unti-unting dinilat ang mga mata ko. Unti-unti ring nawala ang sakit ng ulo ko.

Bakit ganon? Pamilyar ang dalawang Daemon na yun. Yung ngiti ni Saldivar, yung pagiging masungit ni Salazar. Geeez. Nagkakilala na ba kaming tatlo dati pa? Bakit hindi ko maalala?

I am F.O.O.D.S. (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant