Chapter 19

109 5 0
                                    

TEZUKA'S P.O.V.

Days, weeks, months, years had passed. Unti-unting bumabalik sa dati ang lahat. Skyla regained her memories, Shyla's back to life. As for Dart, palagi silang magkasama ni Shyla. Ganun din sina Dase at Skyla. Sana nga, magtuloy tuloy ng ganito kaayos ang lahat.

"Aish. Uuwi muna ko saglit. May nakalimutan ako sa bahay", biglang sabi ni Shan

Nandito kasi kami sa bahay nila Dase ngayon para mag-celebrate ng New Year's Eve.

"Magcocommute ka?", tanong ni Shyla kay Shan

"Yuhp. Marami namang taxi diyan", sabi ni Shan

"Take my car instead. Siguraduhin mo lang na maayos yang babalik sakin", biglang sabi ni Skyla

Saka niya hinagis ang susi ng kotse niya at agad namang nasalo ni Shan.

"Whatever!", sabi ni Shan

Saka siya umirap pero tumawa din naman. Saka siya umalis.

"Di pa rin ba kayo magkasundo?", natatawang sabi ni Shyla kay Skyla

"Maayos na kami sa lagay na 'to", sabi ni Skyla

Saka na siya dumeretso sa sala at naupo sa couch. Sumunod naman si Dase sa kanya at naupo sa tabi niya.

Nakakaisang hakbang pa lang ako nung biglaang mag-ring ang phone ko.

Pakiramdam ko, tumigil sa pagtibok ang puso ko nung makita ko ang pangalan niya.

Napatingin alo kila Shyla sa sala, at parehas silang masaya ni Skyla kasama ang dalawang Daemon.

Agad akong humakbang palikod at sinagot ang tawag niya.

"Anong kailangan mo? Tama na. Manahimik ka ha. Patahimikin mo na sila. Masaya na sila. Pakiusap, tama na", sabi ko

Isang tawa ang narinig ko mula sa kabilang linya.

"Sa tingin mo, ito na kaya ang tamang panahon para makasama ni Skyla ang mga magulang niya?", saad nito

Napatingin ako kila Skyla. Anong sinasabi niya?

"Guns, accidents. History repeats itself", saad niya

Saka ako nakarinig ng busina ng mga kotse bago niya tuluyang binaba ang tawag.

"Shit!", sigaw ko

Saka ako agad agad na lumabas ng bahay. Tinawag ako nila Skyla pero hindi na ko lumingon pa.

Nanganganib ang buhay ni Shan.

-

SHYLA'S P.O.V.

"Anong problema nun? Bakit umalis?", tanong ni Skyla

"Baka tumawag isa sa mga babae niya", natatawang sabi ni Dase

Siniko lang siya ni Skyla at inirapan.

Pakiramdam ko may mali. Anong meron? Anong nangyayari?

"Phone mo", sabi sakin ni Dart

Napatingin ako at nakita ko ang isang unregistered number na tumatawag. Agad ko itong kinuha at sinagot pero hindi muna ako nagsalita.

"I'm chasing your sister to death. Wanna join?", saad niya

Saka siya tumawa ng malakas at binabaan ako ng tawag.

Agad kong hinanap ang pangalan ni Shan sa contacts ko at tinawagan siya. Nakailang ring pa bago niya ito sinagot.

"Nasan ka?", tanong ko

"Sa loob ng kotse malamang. Ano ba namang klaseng tanong 'yan Shy", sagot ni Shan saka siya tumawa

"Seryoso ako! Sagutin mo ko ng seryoso Shan! Nasan ka ngayon!?", inis na sigaw ko

"Ano bang nangyayari?", naguguluhang tanong ni Skyla

Hindi ko siya pinansin at hinintay ang sagot ni Shan.

"Malapit na sa bahay. Teka, bakit ka ba sumisigaw? Ano bang problema mo?", tanong ni Shan

Binabaan ko siya ng tawag at agad na tumayo. Tinawag ako nila Skyla pero hindi na ko lumingon pa.

I won't let him go this time. I'll stop everything right now. Even if it means killing him with my own hands.

-

SKYLA'S P.O.V.

"What the hell?", hindi makapaniwalang sabi ko

Una si Shan, tapos si Tezuka, ngayon si Shyla. Ano bang nangyayari?!

"Oh? Sinong susunod sa inyo?!", inis na sabi ko

"Sky, stay here with Zee. Susundan namin sila", sabi ni Dase

"What!? Ano bang nangyayari!? Can someone explain it to me first!?", galit na sigaw ko

"Just stay here. 'Wag ng matigas ang ulo mo please. Just listen to me this time", sabi ni Dase

Ikinalma ko ang sarili ko at tumango na lang. Hinalikan ko ni Dase sa noo bago sila umalis ni Dart.

"It's giving me goosebumps. What is happening?", tanong ni Altzhea

Maski ako hindi ko alam kung anong nangyayari. Hindi ko alam!

"Ay shet!", sabi ni Altzhea

Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakaupo habang pinupulot ang picture frame.

"Stop! Baka masugat ka", sabi ko

Saka ko siya inilayo sa bubog.

Napaupo ako ng tuluyan nung makita ko ang frame na nabasag. This pictures was taken last year. Ako, si Shy, si Shan, si Zee, si Dase, si Dart at si Tezuka. What the hell is the meaning of this?

I am F.O.O.D.S. (Completed)Where stories live. Discover now