Chapter 10

135 7 0
                                    

SKYLA'S P.O.V.

Three months. Three months had passed at ganito pa rin ang sitwasyon ko. Sa tuwing may makikita akong isang pangyayari na tila konektado sa nakaraan ko, bigla biglang sumasakit ang ulo ko at may nagpapakitang imahe sa utak ko pero hindi ko maaninag kung sino. O kung hindi man, bigla bigla akong nananaginip ng mga pangyayari na sa tingin ko ay pinapaalala sakin ang nakaraan.

Kagaya ng napag-usapan namin ni Dase, hindi na ko nagtanong pa sa kanila ng kahit na ano. Maganda din ng samahan naming tatlo nila Altzhea. Magaan ang loob ko sa kanila at pakiramdam ko naman, matagal ko silang nakasama. Pero minsan bigla bigla kong naiisip na 'wag silang pagkatiwalaan. Hindi ko rin alam kung bakit.

Minsan hindi ko rin maintindihan kasi si Shan, sobrang laki ng galit sakin at hindi ko alam kung bakit. Wala na yata siyang hindi pinalagpas na araw para inisin at bwisitin ako. Ewan ko ba. Kahit anong pag-alala ang gawin ko, wala naman akong naaalalang may ginawa akong masama sa kanya.

At si Dart. Paminsan-minsan ay sinusubukan niyang lumapit sakin pero umiiwas ako. Hindi ko rin alam kung bakit pero parang may bumubulong sakin na 'wag ko siya lalapitan o kakausapin.

"Boooo!", sigaw ni Zee

Halos mapatalon ako sa ginawa niya. Paano ba naman kasi? Nakamaskara pa siya ng pang-halloween. Malapit na kasi ang halloween eh.

"Kaasar ka naman", sabi ko

Pero tumawa lang siya at inalis ang maskara niya saka siya umupo sa tabi ko.

"Matatakutin ka talaga", tumatawa niyang sabi habang pailing-iling pa

Kasalanan ko bang mabilis lang akong magulat at matakot sa mga ganyang bagay?

"Matakot ka kung totoong multo ang makikita mo. Hahahaha", dagdag pa niya

Napailing na lang ako. Pero napatigil ako sa pag-iling nung biglang sumakit ang ulo ko.

"Uy. Ayos ka lang?", tanong ni Zee

Bakas sa boses niya ang pag-aalala. Tumango ako pero nanatili akong nakahawak sa ulo ko at nakapikit.

"Skieeee! Skieee! Awoooo!", sigaw ng isang batang babae

Tinakpan ko ang bibig ko at nagtago sa likod ng isang puno. Nagpipigil ako ng tawa pero at the same time, natatakot din ako. Masyado kasing madilim dito.

"Skieee. Nasan ka na?! Awoooo! Nandiyan na ko!", sambit muli ng isang batang babae

"Skyla!", sigaw ni Zee

Pero hindi ko magawang imulat ang mga mata ko o sumagot man lang ng kahit isang salita.

"Aaahhhhhhhhh!!!!!", sigaw ng batang babae

Agad akong napatayo at akmang pupuntahan siya pero napatigil ako nung makakita ako ng isang lalakeng nakamaskara.

"Shit really happens", sambit nung lalake

Matangkad siya at maganda ang pangangatawan. Pero hindi ko alam kung sino siya.

Lumapit siya sa batang babae at tinutukan ito ng baril.

"Ahhhh!", sigaw ng batang babae

Napaluha ako nung marinig ko ang isang putok ng baril. Napahiga ang babae sa damuhan at nakamulat ang mga mata nito.

Napatingin siya may gawi ko at nginitian ako. Nakita ko ang pag-ubo niya at ang paglabas ng dugo mula sa bibig nito. Napatakip ako sa aking bibig at pinipigilang huwag makagaw ng kahit na anong ingay.

I am F.O.O.D.S. (Completed)Where stories live. Discover now