Chapter 11

113 7 0
                                    

TEZUKA'S P.O.V.

Sinundan ko si Dart na ngayon ay mabilis na naglalakad. Hinabol ko siya at hinarang pero tinitigan niya lang ako. Same old Daemon Ritz.

"Ano bang problema mo? Umalis ka sa dadaanan ko", sabi niya

Pero hindi ako nagpatinag at hindi ako umalis.

"Ano bang kailangan mo?", seryoso niyang tanong

"Bakit ba ganyan ka umakto? Why are you acting like a shit towards Skyla?", tanong ko

"Because she let Shyla die. Wala siyang ginawa. They were both missing that night, pero siya lang ang bumalik na buhay", seryosong sagot niya

"Are you hurt that Shyla died? Or are you hurt because it's Skyla who's alive?", tanong ko

"Ano bang pinagkaiba nun?", tanong niya sakin

Ngumisi ako at lumapit sa kanya. Mas maliit sakin ng kaunti si Dart, kaya medyo tumingala siya.

"Nasasaktan ka kasi namatay si Shyla? O nasasaktan ka kasi si Skyla ang nabuhay? Nasasaktan ka ba kasi namatay ang panakip butas mo? O nasasaktan ka kasi si buhay yung totoong tinitibok niyang puso mo?", tanong ko

Hindi siya nakasagot at nakita ko ang pagyukom ng kamao niya.

"Think of it Dart. Sino ba talaga ang nilalaman ng puso mo? Alam ko at alam mong mas nauna mong nagustuhan si Skyla. Gusto mo ba si Shyla kasi ginusto mo? O dahil nakikita mo si Skyla sa kanya?", tanong ko ulit

Hindi siya nakasagot. Mas lumapit ako sa kanya at tinapik ang balikat niya.

"Wake up before it's too late Dart. Baka nakakalimutan mong, simula pa noon hindi lang ikaw ang nagkakagusto kay Skyla. Nandito kami Dart. Nandito kami", sabi ko sa kanya

Saka ko siya nilagpasan at naglakad pabalik sa clinic.

If only she could bring back all of her memories in just one snap, then maybe it'll be better. Everything will get better.

-

Naabutan kong nag-uusap sina Skyla at Altzhea kaya hindi muna ko pumasok at nakinig sa usapan nila.

"Skie, naaalala mo na ba lahat?", tanong ni Altzhea

Umiling iling si Skyla at pinunasan ang luhang patuloy na umaagos sa kanyang mukha.

"Si Shyla. Naaalala ko si Shyla. Naaalala ko yung kakambal ko. Naaalala ko kung sino yung pumatay sa kanya. Natatandaan ko kung paano siya namatay sa harapan ko. Natatandaan ko kung paano ako tumunganga at walang nagawa habang binaril siya nung lalaking 'yon. Naaalala ko na", sabi ni Skyla

Saka siya ulit nagpunas ng luha niya. If only I could take away all the pain, noon pa lang ginawa ko na.

"Skie", sambit ni Altzhea

Saka siya tumayo at niyakap ng mahigpit si Skyla. Umiyak lang ng umiyak si Skyla habang yakap yakap siya ni Altzhea.

"Wala akong nagawa. Wala akong nagawa Zee. I badly wanted to save her pero wala akong nagawa. Ang tanging nagawa ko lang ay magtago at umiyak sa madilim na lugar. I saw everything but shit happens. I saw everything but I lost my memories. I am the only key to her death yet I disappeared. I lost my freakin' memories", sabi ni Skyla

"Hindi mo kasalanan Skie. Wala kang kasalanan. Bata ka pa non. Bata pa tayo non", sabi ni Altzhea

"I lost Shyla, I lost my parents, I lost my memories. Wala na bang mas imimiserable ang buhay ko?", sabi ni Skyla

"You'll lose everything but always remember you'll never lose me, Dase and Dart", sabi ni Altzhea

"I already did. I lost Dart", malungkot na sabi ni Skyla

"You didn't. Dart will always be there for you no matter what. Saming tatlo, kung may tao mang hindi ka iiwan kahit na anong mangyari, si Dart 'yon. Kung may taong hinding hindi ka magagawang lokohin, si Dart 'yon. Kung may taong magmamahal sayo ng higit pa sa inaakala mo, si Dart 'yon", sabi ni Altzhea

She's right. Skyla will always have Dart no matter what.

"Sana maramdaman ko 'yon Zee. Because all I can feel now is that, I lost my will to live in this world anymore. I want to rest, eternally", sabi ni Skyla

"Huwag mo ngang sabihin 'yan. Huwag kang magsalita ng ganyan. Maraming rason para mabuhay ka", sabi ni Altzhea

Hindi na sumagot pa si Skyla at tumahimik na lang.

Sana maayos na ang lahat. Sana matanggap na ang lahat ng nangyari. Sana magsimula na lang ulit ng bago. At sana, ganon lang kadali ang lahat.

-

SOMEONE'S P.O.V.

"Ano ng plano mo?", tanong niya sakin

"For now, wala pa", sagot ko

Saka ko ininom ang alak na hawak ko.

"But I'll make sure, I'll make her life miserable just like how she did to me", sabi ko

"Anong plano mo dun sa isa?", tanong ulit niya

"Plano ko? Papatayin ko. Gamit mismo ang mga sarili kong kamay. Buhay ang kinuha niya sakin, kaya buhay din ang kapalit", sagot ko

Get ready. Oras na magbalik ako, gagawin kong miserable lahat ng mga buhay nila. Kukunin ko ang mga buhay nila kapalit ng isang buhay na kinuha nila sakin. Magbabayad silang lahat.

I am F.O.O.D.S. (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang