Chapter 9

137 6 0
                                    

ALTZHEA'S P.O.V.

Balik school na si Skyla ngayon. Hindi siya ang na-suspend kundi si Shan. Nung una, nagreklamo pa si Shan kasi siya daw ang agrabyado dito, pero sa huli wala rin naman siyang nagawa kasi napatunayang aksidente lang ang lahat at hindi naman siya sadyang itinulak ni Skyla.

Simula nung tanungin ako ni Skyla ng ganon sa restaurant, mas lalo pa siyang naging tahimik. Kakausapin niya lang ako kapag ako ang unang lalapit. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko parang mas napalayo ang loob niya sakin. Pero ang ipinagtataka ko, bakit niya tinanong ang mga 'yon? Nakakaalala na kaya siya?

"Hi! Good morning!", nakangiting bati ni Dase

Pero agad ding napawi ang ngiti niya nung makita niya ang itsura ni Skyla. Tumingin siya sakin pero inilingan ko lang siya.

Sunod namang dumating sina Dart at ang tropa niya. Tumingin siya saglit kay Skyla pero agad din siyang nag-iwas ng tingin.

"Uy Zee, paano yung project natin?", tanong sakin ni Gon

"Hindi ko alam", sagot ko

"Malapit na yung deadline", sabi naman ni Killua

"Bakit ako? Itanong niyo kila Dart", sabi ko

Tumango na lang silang dalawa at naupo na din. Aish. May project pa pala kami ng magkakasama. Paano namin matatapos at magagawa 'yon kung ganyan sila?

"Saan ka pupunta?", tanong ko kay Skyla nung bigla siyang tumayo

"Sa lugar na mapayapa", sabi ni Skyla

Saka na siya naglakad palabas ng room. Gusto ko siyang sundan pero alam kong gusto niyang mapag-isa.

"Ano bang problema?", tanong sakin ni Dase

"Dase, nagtanong siya sakin. Sino daw ba siya. Bakit daw ba wala siyang maalala", sabi ko

"Bakit? Bakit bigla niyang natanong 'yan? May mga nabanggit ka ba sa kanya?", tanong ni Dase

Umiling-iling ako. Sigurado akong wala akong nababanggit na kahit ano.

"Pero bakit siya magtatanong kung wala kang nabanggit? May iba bang nagsabi sa kanya?", tanong niya ulit

"Hindi ko alam", malungkot na sabi ko

Kung meron mang magsasabi ng katotohanan sa kanya, sana 'wag nila siyang biglain. Sana kayanin niya.

-

RYOMA'S P.O.V.

Nung umalis si Skyla agad akong tumayo at sinundan siya. Hindi naman nila napansin dahil may sari-sarili silang mundo.

Palihim ko siyang sinundan kung saan siya pupunta. Hanggang sa napatigil ako at napatingin sa paligid. Teka, daan 'to papunta sa hide out ni Kuya.

"Oh? Naaalala mo na ba ko?"

Napatigil ako at nagtago sa likod ng isang puno. Medyo malaki naman 'to kaya hindi ako mapapansin dito.

"Hindi pa", sagot ni Skyla

Anong sinasabi ni Kuya? Anong naalala? Bakit? Magkakilala ba sila?

"Kung ganon, anong ginagawa mo dito?", tanong ulit ni Kuya

"Tulungan mo ko. Tulungan mo kong makaalala. Tulungan mo kong maalala kung sino ako", sabi ni Skyla

Anong.... hindi siya nakakaalala? Hindi niya alam kung sino siya?

"Hindi ako makakatulong sayo. Kung gusto mong makaalala, magsimula ka sa mga taong nakapaligid sayo", sabi ni Kuya

Hindi na sumagot si Skyla at biglaang tumalikod. Naglakad siya paalis. Pero bigla siyang napatigil sa tapat ng puno kung saan ako nagtatago. Shit.

"Bumalik ka dito kung naalala mo na ko. Kapag nangyari 'yon, handa akong makinig sa lahat ng sasabihin mo. Pero tandaan mo, mapagkakatiwalaan mo ko", sabi ni Kuya

Hindi sumagot si Skyla at agad na naglakad paalis. Akmang susundan ko siya nung biglang may humila ng damit ko. Pagtingin ko, si kuya pala.

"Anong ginagawa mo dito?", seryosong tanong niya

"Wala kuya. Sinundan ko lang siya. Pinasundan kasi siya sakin ni Dart", pagsisinungaling ko

Ngumisi siya at binitawan ang damit ko.

"Hindi ka magaling magsinungaling. 'Wag ka ng dumagdag dito. Kung ano man ang mga narinig mo, kalimutan mo na. 'Wag kang makialam", sabi ni Kuya

Saka na siya naglakad palayo sakin. Naiwan akong tulala at madaming tumatakbo sa isipan. Anong meron sila? Anong nakaraan nila? Bakit hindi ko alam?

-

DASE'S P.O.V.

Bumalik si Skyla na tulala at hindi ko alam kung saan nanggaling. Hindi ko rin alam kung anong nagtulak sa kanya para tanungin ang mga bagay na 'yon kay Altzhea.

"Dase", mahinang tawag niya sakin

Pero hanggang ngayon ay tulala pa rin siya.

"Sino ba ko?", tanong niya

I faked a laugh trying to make everything a piece of joke.

"Ikaw si Skyla Mae Sebastian, diba? Ano bang klaseng tanong yan?", sagot ko

Napayuko siya at napatawa ng mahina.

"Ako nga ba? Ako nga ba si Skyla Mae Sebastian? 'Yan nga ba ang tunay kong pangalan? Ito nga ba ang tunay kong pagkatao?", sabi niya

Natahimik ako sa sinabi niya. Hanggang sa tumingin siya ng deretso sakin.

"Please naman Dase, 'wag na tayong maglokohan dito. Bakit ba ayaw niyong sabihin sakin ang totoo? Bakit ba tinatago niyo sakin ang totoo? Sino ba ko? Ano bang meron sakin?", mahina niyang sabi

Hanggang sa unti-unting pumatak ang mga luha niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit. Ito lang kasi ang kaya kong gawin. Hanggang dito lang ang kaya kong gawin.

"Sorry. 'Wag mong pilitin ang sarili mong makaalala. Makakaalala ka din. Pero kapag dumating ang araw na naaalala mo na ang lahat, sana handa at bukas ka para pakinggan kami", sabi ko

Ang tagal niyang nawala samin. Ang tagal naming tiniis na huwag siyang makita. Ang tagal na panahon namin inantay na makaalala siya. Pero kung ganito lang din naman, 'wag na. Mas pipiliin ko pang sana, hindi na ulit nagtagpo ang mga landas namin.

"Tahan na, 'wag ka ng umiyak. Mas lalo kang papangit niyan, sige ka. Haha", pagbibiro ko sa kanya

Hindi siya sumagot at mas umiyak lang. Kumalas ako sa pagkakayakap at tumungin siya sakanya, saka ko siya nginitian. Inilabas ko ang panyo ko at pinunasan ang mga luha niya.

"Sabing 'wag ka ng umiyak eh. Kita mo oh? Pangit mo na. Haha", pang-aasar ko sa kanya

Napatawa siya kahit konti. Ngumiti na lang ako. Kahit papano, magaan ang loob ko dahil napatawa ko siya. Ito lang kasi ang parte ko sa buhay niya. Ang panatilihin siyang masaya.

"Sa susunod, 'wag mo na ulit akong tatanungin, o ang kahit na sino ha? Hayaan mong kusang bumalik ang mga alaala mo. 'Wag mong pipilitin. Kagaya ng puso. Hindi mo mapipilit na magmahal ng kahit na sino. Kusa 'yang magmamahal at titibok para sa taong talagang magmamay-ari nito. Sa alaala mo, hayaan mong kusang bumalik. Kung talagang nakalaang maalala mo, maaalala mo. Pero kung hindi, ibig sabihin lang non, kalimutan mo na at magsimula ka na lang ng panibago", sabi ko

Unti-unti siyang tumango at ngumiti. Nginitian ko lang siya at ginulo ang buhok niya. Just like how I used to do when we were kids.

I am F.O.O.D.S. (Completed)Where stories live. Discover now